Sugod Shooting: Ara Mina, balik-Bubble Gang!

MAHIGIT ISANG TAON ding nawala ang sexy-actress na si Ara Mina sa programang Bubble Gang. Last year kasi ay nag-ober da bakod ito para maging kontrabida nina Kristine Hermosa at Roxanne Guinoo sa kani-kaniyang panghapong drama. Nagbalik-kapuso ang aktres noong nakaraang Marso para magkontrabida kay Kris Bernal sa Sinenovela presents Dapat Ka Bang Mahalin?

Sa ngayon, balik-Bubble Gang naman si Ara. Kitang-kita kung gaano siya kasabik magtrabaho muli sa gag show at kung gaano siya ka-excited sa pakikipagkulitan muli sa kanyang co-stars. Ara, it feels good to be back home, ‘no?! Matagal-tagal ka mang nawala, alam naming lahat na babalik ka rin!

By Mica Rodriguez

Photos By Luz Candaba

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.