Sugar Mercado is busy in ‘social climbing’

KUNG SUSUKATIN NGA siguro ang kabaitan ng dating SexBomb member na si Sugar Mercado, baka maipagpatayo mo na ito ng monumento. Isa kami sa naging saksi kung paano’ng naging biktima si Sugar ng mga masasabing pang-iisa sa kanya ng kapwa niya.

Pero sa kabila nu’n, nakakangiti pa rin at nagiging positibo pa rin sa pananawa niya ang dalaga. Kaya nga, sa sobrang pasensyosa nito, dinaratnan naman siya ng magagandang mga pagkakataon.

Hindi nga raw niya akalain na mapapabilang pa siya sa mga hosts ng Willing Willie sa TV5. Pero ngayong may dinaraanan ang nasabing programa, sige pa rin si Sugar sa kadadasal na sana eh, makabalik na ito sa ere. Hindi lang para sa kanilang mga nagtatrabaho du’n, kundi sa mga mahihirap na umaasang maging bahagi sila ng mga biyaya rito.

Kakaiba nga ang babaeng ito, eh. Dahil sa halip na magmukmok siya habang wala pa sa ere ang kanilang programa, ang tinututukan nito ngayon eh, ang lalo pang pagpapabuti sa kanyang sarili.

At nagkuwento ito sa kanyang text sa akin: “Super pray lang ako talaga, tita. Na sana makapagbigay pa rin kami ng saya sa mga tao. Kaya ako ngayon, nagpapapayat. Tapos nagbo-voice lessons na, kasi ang mga hosts kakanta sa ibang games. Para ‘pag balik ng show, ready na ako. Tapos, super basa ako nang basa ng mga papers. Watch sa CNN. Mga balita. Alam mo na! ‘Yan na ako talaga. Pang-mayaman ang gawain. Super read talaga ako ng books.”

At ang isang hindi nawawala sa kanya eh, ang patuloy na pasasa-lamat, lalo na sa Maykapal.

“Wala na akong mahihiling, tita. Konti lang ang hiniling ko, sobra-sobra pa ang ibinigay sa akin. One of these Wednesdays, ang ipi-feature naman sa Star Confessions eh, ang life story ko.”

Idagdag pa sa kasiyahang ‘yun na masaya ang love life ngayon ng dalaga. At wala nang tutol ang kanyang minsang naging kontrobersyal na ina.

STILL GRIEVING OVER the loss of his beloved Mom ang actor na si Gardo Versoza. Kaya naman para hindi siya lubhang malungkot, talagang pinupursige nito ang makapagtrabaho.

It’s a good thing, dumating ang Amaya ng GMA-7 sa kanya, kung saan siya ang kalaban ng bidang si Marian Rivera sa papel bilang Raja Mangubat.

At para nga hindi siya lalong ma-ngulila sa kanyang mahal na ina, dinilete na rin ng actor ang kanyang Facebook account dahil lagi lang daw niyang maaalala ito.

Kaya, trabaho ang focus niya para pag-uwi niya ng bahay eh, magpapahinga na lang siya.

WALANG MAKAPAGKUMPIRMA SA amin ng balitang kahit na nagkaroon na ng story conference ang bagong teleseryeng sisimulan sa ABS-CBN na tatampukan ng bagets na si Bugoy Cariño, ang Atom eh, hindi na diumano si Aiko Melendez ang gaganap na ina nito kundi si Assunta de Rossi na.

Ito sana ang muling pagsasamahang proyekto ni Aiko at ng kanyang ex-husband na si Jomari Yllana.

Si Jom nga ang nagbalita sa amin noon na si Aiko ang makakasama niya sa naturang proyekto.

Ayon sa aming nabalitaan, may kinalaman sa timbang ni Aiko ang dahilan kung bakit siya diumano pinalitan.

Eh, sabi ko naman, kung nanay naman ni Bugoy ang papel niya eh, mas makatotohanan naman ‘yun kung medyo nasa heavy side siya ngayon.

True nga kaya?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

3 thoughts on “Sugar Mercado is busy in ‘social climbing’

  1. Iyan ang tama, don’t stop to learn new things, find things to do and find ways to improve yourself. Ang showbiz hindi permanente, may hangganan. kaya i respect those who go back to school to get a degree even with the pressure of being in the showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published.