Sugal sa Cavite at Gagong Clerk

 

NAGYAYABANG SI Ace Bakla na kahit anong banat ng media ay hindi siya kayang patalsikin sa kasalukuyan niyang puwesto bilang bagman ng Bacoor (Cavite) PNP.

Ito ang ipinaabot ng ating mga “tawiwit” sa Bacoor na nakarinig sa pagmamayabang ni Ace.

Sa totoo lang, parekoy, tumpak naman talaga ang binitiwang mga salita ni Ace.

Una, paano nga naman siya sisibakin ay hindi naman talaga pulis ang kumag na ito. Siya po ay isang empleyado sa munisipyo ng Bacoor na doon lamang itinalagang mag-report sa Bacoor Police Station. At sa hindi mawaring dahilan ay ito na nga ang naging bagman/collector ng pulis sa lahat ng raket lalo na sa iligal na sugal!

Pangalawa, paano nga namang sisibakin sa pagiging collector/bagman itong si Ace Bakla gayung sa galing ng bibig nito ay mistulang yakang-yakang paikutin sa palad nito ang tumbong ni Col. Edgar Roquero!

No wonder, parekoy, kilala itong si Col. Roquero na sobra ang bait. Na sinasamantala naman ni Ace Bakla at ng ilang pulis! Pwe!

Pero kung si hepe ay kayang tsurba-tsurbahin nitong si Ace Bakla, natitiyak natin, parekoy, na kapag nalaman ni Mayor Strike Revilla ang tungkol sa bagay na ito ay tiyak na may paglalagyan ang Ace na ito!

Siyanga pala Col. Roquero, sigurado bang hindi mo alam ang walang humpay na operasyon ni Jessie Bulag?

Tiyak ka rin ba na hindi mo alam ang kalat na lotteng operation ni Kapitan Randy sa Bacoor?

Owww? Baka ikaw na lamang ang hindi nakaaalam… na ilan lamang sila sa kinukolektahan ni Ace tuwing Biyernes!

Katunayan, kumukulekta rin sa dalawang ito tuwing Biyernes si P03 Marlon Garcia… ang nagpapakilala namang bagman/collector ni Provincial Director S/Supt. John Bulalacao!

 

TALAGANG MATINDI pala ang record nitong isang clerk sa Bureau of Customs na si Paulino Elevado.

Hindi lang “hitman” sa pangungurakot ng ilang opisyal sa BoC ang animal na ito, may dugo talaga sa pagiging literal na hitman!

Aba eh, kaunting gitgitan lang sa kalsada ay nanghabol na ng “Porsche” ang demonyong ito at namaril! Sumobra ang yabang ng halimaw na ito dahil sa tinamasang karangyaan!

Gago kang Elevado ka, tandaan mo ito, nalalapit na ang pagtatapos ng maliligayang araw mo!

Ang masakit, parekoy, mistulang gulat na gulat pa si Comm. Ruffy Biazon nang malaman nito kung gaano na kayaman ang isang ordinaryong clerk ng Customs.

Bakit ginoong Commissioner, hindi mo pa ba alam na mabibilang mo na lamang sa daliri ang hindi milyonaryo d’yan sa BoC?

Na ultimo isang janitor d’yan ay may Pajero?

Hindi lang halatain ang iba riyan dahil maliban sa magaling magtago ng ginto ay “low profile” pa.

Hindi kagaya ni Elevado.

Idilat mo kasi ang mga mata mo Comm. Biazon, para malaman mo na kayong dalawa na lang ni Gen. Danny Lim ang hindi nakikinabang diyan!!!

Inggit nga ako… Pwe!!!

 

PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa junbriones69@yahoo.com o CP No. 09321688734.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.