Sugal na Shabu ang pustahan, sinalakay

APAT KATAO ANG naaresto matapos na inguso nang isang kalugar ang talamak na sugalan kung saan ang pustahan ay bawal na droga kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ni Marikina city chief of Police P/Sr. Supt. Gabriel Lopez ang mga nasakote na sina Julius Durano, 49 anyos, residente ng Pechay st., Brgy. Tumana;Vergel Luna, 30 anyos, taxi driver, residente ng H Bautista st., Concepcion Uno; Jeffrey Sumayan, 18 ng Block 55, Pipino st., Brgy. Tumana, pawing ng nasabing lungsod at Mateo Millares, 40 anyos, Purok 5, Brgy. Cupang, Antipolo City.

Sa ulat, naganap ang pag-aresto sa mga suspek dakong alas-10:00 ng gabi sa # 44 Pechay st., Brgy. Tumana, Marikina City.

Nabatid na malakasang nagsusugal ang mga suspek sa labas ng bahay ni Durano nang makita nang mga residente na pakete na nang shabu ang itinataya nito.

Ayon sa impormante, malaki na umano ang natatalo kay Durano kung kaya’t  shabu na ang itinatay nito na tinanggap naman ng mga kalaban.

Ayon pa rito, pinapayagan na nila ang pagsusugal nang mga ito sa labas ng bahay subalit ang hindi nila mapapayagan ay ang lantarang pagpupustahan ng mga ito nang bawal na droga.

Ang mga suspek ay pansamantalang nakakulong ngayon sa Marikina lock-up jail habang iniha-handa ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o paglabag sa anti illegal drugs law.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.