Sue Ramirez, ayaw pa aminin ang relasyon with Joao

Sue Ramirez

MERON NA bang something between Sue Ramirez and rumored boyfriend na si Joao Constancia ng Boyband PH?

Mahaba ang paliwanag ng dalaga sa media conference ng pelikula niyang “Ang Babaeng Allergic sa Wifi” kung saan siya ang bida sa pelikula na dinirek ni Jun Lana para sa Idea First Company at Signal Entertainment na isa sa walong official entry sa darating na 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino na isa sa proyekto ng FDCP na pinamumunuan ni Chairperson Liza Dino na magsisimula na sa Wednesday, August 15 sa buong kapuluan.

I just don’t know kung bakit ayaw i-label ni Sue na mag-boyfie na sila ni Joao gayong regular sila nagkikita at nagkakasama at mayroong ‘something special’ sila ng binata.

Basta para sa aktres: “May mga bagay na talaga na hindi pwedeng madaliin,” paliwanag niya na ang ibig itawid na mensahe ni Sue ay “Sa Tamang Panahon”.

Ang pelikula ay halaw sa isang balita na nabasa ni Direk Jun na lumabas sa isang dyaryo kung saan Sue plays the role of Norma na pumunta ng probinsiya para manirahan kasama ang kanyang lola played by Boots Ason Roa para makaiwas sa kanyang pagka-allergic sa wifi.

Yesterday, Saturday, dapat sana’y mayroon meet and greet event sina Sue kasama ang co-stars niya like Markus Patterson at Jameson Blake with other stars of the other film entries after the parade sa Quezon Memorial Circle pero bago magsimula ay kinansela na ni Chairperson Liza dahil sa masamang panahon.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.