Succesful in life: Marvin Agustin leaves his contemporaries behind!

MUKHANG INIWAN NA nang milya-milya ng successful actor/businessman-turned-concert producer na si Marvin Agustin ang kanyang mga kapanabayang artista kung success sa maraming bagay ang pag-uusapan, mapa-showbiz man o business side.

Bukod sa booming career sa GMA-7, kung saan magagandang proyekto ang nabibigay rito, maging ang pagho-host ay matagumpay ring napasok ni Marvin, gayundin ang maging ang pagiging owner nito ng ‘di na mabilang na restaurant sa bansa na bonggang-bongga rin ang resulta. Ngayon naman ay matagumpay din nitong napasok ang pagpo-produce ng mga concert sa bansa.

Kung saan pagkatapos ng matagumpay na concert ni Bruno Mars sa bansa, ang sikat na teen superstar na si Miley Cyrus ang magko-concert sa Pilipinas, ang “Gypsy Heart Concert, Miley Cyrus” ngayong June 17. Ito raw ang tanging concert ni Miley sa buong Asya.

At ayon nga kay Marvin nang makausap namin sa GMA Compound, pagkatapos ni Miley Cyrus ay dadalhin nila ng kanyang grupo para mag-concert sa bansa ang lahat ng American Idol Season 10 finalists and winner. Kabog!

 

SIGAW NG MGA solid fans ng number 1 teenshow sa buong bansa, ang Tween Hearts na napapanood tuwing Linggo, na  bigyan na lang daw ng kanya-kanyang ka-loveteam ang mga bagong tweens ng TH at ‘wag nang gawing panggulo sa mga established nang loveteam nina Jake Vargas at Bea Binene, Kristoffer Martin at Joyce Ching, atbp.

Tsika pa ng mga ito na bagay raw na maging magka-loveteam si Teejay Marquez at Kim Komatsu, samantalang may kilig naman daw ang tambalang Hiro Magalona at Yassi Pressman, habang swak na swak naman daw at bagay na magka-loveteam sina Ken Chan at Rhen Escaño.

 

NAG-E-ENJOY RAW NANG husto ang isa sa hottest young star ng GMA-7 na si Bea Binene sa kanyang role bilang isa sa superhero sa Captain Barbell kasama ang kanyang ka-loveteam na si Jake Vargas.

Ito raw kasi ang gustung-gustong gawin ni Bea, ang mapasabak sa bakbakan. Hindi nga raw ito natatakot na baka tamaan ng suntok sa bawat fight scene na kanyang ginagawa sa Captain Barbell, dahil ang CB daw ang klase ng proyektong bagay sa kanya.

Ibinibigay na raw ni Bea sa ibang tweens ang paiyak-iyak sa kanilang mga shows, basta ibigay naman sa kanya ang role na may bakbakan. Honest naman daw ito sa pagsasabing mas gusto niyang maging action star kaysa drama princess ng GMA-7.

 

HINDI PA RAW handang magpakasal ang isa sa young primera kontrabida ng GMA-7 na si Vaness Del Moral na napapanood sa Ma-gic Palayok. Ayon kay Vaness, ini-enjoy pa nila ng kanyang boyfriend na si Biboy Ramirez ang kanilang pagiging BF-GF.

Mas gusto raw nilang makilala nang lubusan ang bawat isa habang tumatagal ang kanilang relasyon. ‘Pag handa na raw sila physically, emotionally at financially, doon sila papakasal.

Pero kung sila raw ang masusunod ni Biboy, gusto nilang sila nang dalawa ang magkatuluyan. Aminado naman si Vaness na napag-uusapan na nila ni Biboy ang kasal, pero matagal-tagal pa raw ito bago magkatotoo. Mag-iipon daw muna sila para sa future ng kanilang magiging pamilya. ‘Yun na!

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Succesful in life: Marvin Agustin leaves his contemporaries behind!

  1. Besides Marvin, there was nobody worth reading about in your article. mga nameless starlet lng ng GMA tapos isinama sa write up ni Marvin para mabasa?

Leave a Reply

Your email address will not be published.