Stuntman, Patay sa Kulungan

MAAGANG NAMATAY ang isang magaling na stuntman ng ABS-CBN makaraang maumpog ang ulo sa sementadong sahig habang nagwawala sanhi umano ng sobrang kalasingan sa loob ng Valenzuela City Jail, iniulat ng Valenzuela Police kahapon ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela City Chief of Police Wilben Mayor ang biktima na si Erwin Gallardo Ponce, 47, stuntman at residente ng Barangay Malinta ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng Valenzuela PNP, dakong alas-3 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng nasabing piitan.

Nabatid, bago umano maganap ang nabanggit na insidente, lasing na nagpunta umano ang biktima sa loob ng isang Ralinace bar na matatagpuan sa Brgy. Malinta at umorder ng maiinom na alak.

Hindi pinabigyan ng maiinom si Ponce ng may-ari ng bar dahil lasing na dahilan upang magwala at manggulo umano ang biktima sa loob ng nasabing bar.

Kaagad namang humingi ng tulong ang may-ari ng bar sa mga barangay tanod sa kanilang lugar na kaagad namang rumesponde at inaresto ang nagwawalang si Ponce.

Dinala ng mga barangay tanod ang suspek sa Valenzuela Police station para sa kaukulang disposisyon at i-lang sandali pa lamang umano ang nakalilipas ay biglang pinagtatadyakan at pinagsusuntok ni Ponce ang mga natutulog na bilanggo na nagresulta para gumanti ang mga bilanggo.

Sa nasabing kaguluhan ay nadulas si Ponce dahilan upang mabagok ang ulo sa sementadong sahig ng piitan na nagresulta sa maagang pagkamatay ng biktimang si Ponce.

Napag-alamang si Ponce ay isang mahusay at magaling na stuntman na lumalabas sa mga teleserye sa nasabing himpilan ng telebisyon.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.