Store Owner, Patay sa Nagpanggap na Costumer

TODAS ANG isang store owner na babae matapos barilin ng hindi pa kilalang lalaki na nagpanggap na costumer sa tindahan ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Commonwealth Hospital sanhi ng tama ng bala sa leeg si Isabel Millares, 59, Bitaog St., Amparo ng lungsod.

Inilarawan lang ang suspek na naka-berdeng T-shirt at maong na pantalon.

Batay sa ulat, alas-10:30 ng gabi, nagsadya ang suspek at nagkunwaring bibili sa tindahan ng biktima sa nasabing lugar.

Nang tanungin ng biktima kung ano ang bibilhin ng suspek ay biglang nagbunot ng baril ang huli at pinutukan ang una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa CH kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng una.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.