Stockholder daw kasi sa isang casino sa Macau
Willie Revillame, sa isang private room naglalaro?!

NAGULAT AT naiyak daw si Luis Manzano nang ma-ging surprise contestants sa kanyang game show na Minute To Win It ang kanyang dalawang half-siblings sa amang si Edu Manzano na sina Adie (girl), 20, at Renzo, 19.

Nag-workshop pa raw last Wednesday sina Adie at Renzo para maging familiar sila sa mga games na gagawin nila sa nasabing show. Kinabukasan, Thursday, ang taping.

Sa April 21 ang 32nd birthday ni Luis at ipalalabas ang episode na ‘to between april 22 and 26, kung saan ang mga player ay mga espesyal na tao sa buhay ng actor-TV host.

Mapapanood din kaya natin sa birthday week n’yang ‘yon ang half-brother ni Luis na si Ryan Christian Recto at mommy nitong si Batangas Governor Vilma Santos-Recto?

Eh, ang girlfriend kaya ni Luis na si Jennylyn Mercado, payagan kaya ito ng GMA-7 para mag-guest sa show ng jowa n’ya? Abangan!

MAY NAKAUSAP kami ulit na isang malapit na kaibigan ni Willie Revillame.

Kung ang sabi sa amin ni Karen Martinez, isa ring malapit na kaibigan ng controversial TV host, na hindi raw talaga naglalaro sa casino si Willie tuwing pumupunta sila sa Macau na huli naming naisulat dito sa aming column last week, pinabulaanan ito ng taong nakausap namin.

Ang alam n’ya raw ay naglalaro si Willie ng casino tuwing nasa Macau ito.

Sa isang private room pa raw naglalaro si Willie dahil diumano, tila may share of stocks daw ito sa casino sa Venetian Hotel.

Hindi raw kasi maaaring maglaro ang isang ordinaryong tao ng casino sa isang private room kung wala itong share of stocks doon.

Wow, big time talaga si Willie, huh!

 

HOW TRUE ang tsika sa amin na may bago raw ulit na sasakyan si Vice Ganda?

Isang pinakabagong model ng Savannah van ang huli raw na naipundar ng phenomenal box-office star.

Kung sa bagay, hindi na kami nagtataka kung kahit ilan pang magagarang sasakyan ang mabili nito dahil talaga namang napakasipag magtrabaho ng aktor at TV host.

Sa kanyang TV shows, movies, endorsements, concerts, corporate shows, at mga out-of-town shows, pati series of shows sa iba’t ibang bansa, hindi imposibleng nakaiipon si Vice ng kanyang mga kinikita. Kaya he truly deserves kung ano man ang gusto n’yang bilin para sa sarili n’ya dahil pinagpaguran niya ito.

May Hummer din si Vice, gaya ng ilan sa mga bigating artista na nagmamay-ari nito, tulad ni Angel Locsin, ang kauna-unahang babae sa buong Pilipinas na nagkaroon ng Hummer, at nina Kim Chiu at Piolo Pascual.

May Chrysler car din daw si Vice. Gaya ni Vice, may Savannah van din sina Aga Muhlach, Toni Gonzaga, Anne Curtis, Richard Gutierrez, Marian Rivera, Angelica Panganiban, at Angel Locsin.

Incidentally, I-Vice Ganda Mo Ako na ang title ng concert ng komedyante sa Araneta Coliseum na gaganapin sa May 17, 2013.

 Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

2 thoughts on “Stockholder daw kasi sa isang casino sa Macau
Willie Revillame, sa isang private room naglalaro?!

  1. Oo na Mr. Writer Big time na talaga si Kuya Willie mo at big heart na rin dahil sa tinutulungan niyang mga tamad na mga tao na ayaw magtrabaho dahil madali lang ang pera sa show niya,  pero sana pagsabihan mo siya na maski anong big time ka na pero big time naman yong ego mo, hindi pa rin maniniwala ang ibang tao dyan sa sincerity nya lalo nat hilig siyang magpahiya ng mga tao nya in front of other people.

Leave a Reply

Your email address will not be published.