Still Unkabogable: Concert ni Vice Ganda last Sunday sa Japan, dinumog!

Vice Ganda in Japan

BONGGA ang response ng mga nanood ng concert ni Vice Ganda last Sunday, July 2 na isinagawa sa Ichikawa City Cultural Hall sa Japan.

 
Full packed ang venue. Dahil hindi na ma-accommodate ang dagsa ng tao na gusto manood ay tumanggap na rin SRO audience ang producer ng ”Pusuan mo si Vice Ganda” series na nagsimula last February 14 na paandar ni Vice sa Araneta Coliseum.
 
Umalingawngaw ang mga tawanan sa loob ng venue, ayon sa kuwento isang insider naka-chat namin online.
 
Mas riot na ang mga eksena onstage nang magbatuhan ng kanilang mga jokes with Vice sina Lassie at MC na mga guests sa show ng unkabogable box-office superstar.

Vice Ganda concert in Japan

 
Today, Tuesday, July 4 at 6:00PM ang balik ng komedyante at diretso na siya from the airport to the first shooting day of “The Revengers” with Pia Wurtzbach at Daniel Padilla mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal para sa Star Cinema.

On July 15 ay nasa Queen City of the South (Cebu City) naman ang paandar ng komedyante.      
 
Sa mga nagtatanong kung magso-show si Vice sa kani-kanilang mga lugar ay narito ang kumpleto at confirmed dates ng mga susunod na “Pusuan Mo si Vice Ganda” concert series: August 13, Ansan Korea; Aug 20, Laoag sa Centennial Arena; Aug 27 sa Batangas City Sports Center Coliseum; Sep 17, Naga sa Jesse M. Robredo Coliseum; Oct 8, Dagupan sa CSI STADIA and Oct 29, Sydney Australia.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.