Still languishing from his break-up with Rhian Ramos: Mo Twister flies abroad!

SA KARATE SESSIONS pala nagka-kilala sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.
Sabi ng aming impormante, parehong naka-enroll sa jujitsu class sina Jennylyn at Luis at ito ang naging daan para sila ay magkakilala. Hanggang sa naging magkaibigan nga sila.
Lately, nali-link ang dalawa sa isa’t isa. Unang lumabas ang tsikang magdyowa na sila nang makita silang sabay na naggo-grocery sa Taguig. Sweet nga raw ang dalawa, bagay na napansin daw ng mga tao roon.
Pangalawang sighting sa kanila ay noong Holy Week sa Boracay. Kasama ni Jen ang kanyang anak at buong pamilya sa popular resort destination nang makita silang magkausap ni Luis.
Siyempre, nag-one-plus-one kaagad ang mga nakakita at binigyan ng kahulugan ang pagsasama ng dalawa.
Actually, hindi naman sabay na nagpunta sina Jen at Luis sa Boracay. Nauna si Jen ng mga ilang araw. Hindi rin naman nila plinano na magkita roon. Basta nakita na lang nila ang isa’t isa at hindi nila siyempre kayang isnabin ang
isa’t isa.

Nakakaloka nga ang tsismis na ginagamit lang ni Jen si Luis para magkaroon ng publicity. Nakakatawa naman ‘yon. Parang wala naman sa lugar. It doesn’t make sense na gagamitin ni Jen si Luis.
Kaya lang, mukhang nakasama ang tagpong iyon dahil natsismis nga sila na magdyowa na.
Still on Jen, inamin ni Dennis Trillo na tinext niya at binati ng happy birthday and aktres pero hindi naman nag-reply ang Kapuso star.  Hanggang   ngayon kasi ay may galit pa sa puso ni Jen.
Birth month din ni Dennis this May and we’re pretty sure na hindi siya babatiin ni Jen. Wanna bet?
IN PAIN PA rin si Mo Twister sa nangyari sa kanila ni Rhian Ramos. And the best solution he’s come up with is umalis muna ng bansa.
“i wont be on radio either tomorrow as i’ll leave the country for a bit. i guess il pack now. flight is later,” tweet ni Mo last Wednesday. Hindi naman niya sinabi kung saang bansa siya pupunta.
Nagpaalam din siya sa Podcast viewers niya. “im sorry there was no Podcast tonight, neither will there be for the rest of the week,” aniya sa Twitter.
“my life was shattered today. how do i begin to get it back, what can even be retrieved. everything i knew was wrong. i have to go now,” say pa ni Mo sa isang tweet.
Well Mo, dapat nga sigurong magbakasyon ka muna, mag-recharge para makapag-isip nang mabuti.
BLIND ITEM: HOW true na nagmaldita ang isang singer nang mag-show ito abroad? Sa isang fan page ng isang sikat na TV personality ikinuwento ng isang Filipina dancer ang kanyang pagkadismaya sa female singer dahil nagpakita raw ito ng kamalditahan.
Ang claim ng dancer, tinarayan daw sila ng singer at sinabihang kung hindi sila aalis ng stage ay uuwi na lang daw sila. Nang abutan pa raw ito ng bulaklak ng isang bata ay ni hindi man lang ito nagpasalamat. At parang diring-diri daw ito
sa Pinoy fans na pumalibot sa kanya noong mag-show siya.
Parang hindi naman ganito ang female singer. Sweet na sweet nga ang image niya at hindi makabasag-pinggan kaya parang ang hirap paniwalaan ng ganitong kuwento.
O baka naman pagod na siya o kaya ay wala sa mood? Ano sa palagay n’yo?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

16 thoughts on “Still languishing from his break-up with Rhian Ramos: Mo Twister flies abroad!

  1. Hay naku patawarin nyo na po ang VAKLANG GASUL (DJ MOMO) na etech walang kwenta.! eh yung BI eh di Sarah nga yun …arte arte! tssse!

  2. The Real shebie wrote on 20 May, 2011, 3:11

    “Blind item is Christian Bautista – ang malditang singer”

    Hindi naman babae si Christian. Baka si Sarah puwede pa kasi di rin yun makabasag pinggan ang image at babae pa. hehe. Anyway, sino kaya yan! Wala man lang ibang mas okay na clue!

  3. Hopefully Mo has a one way ticket. Get a job ang support your child. Kaya ayaw magtrabaho rito sa America si Mo, dahil covered siya nang child support laws. There could be an automatic deduction against his paycheck for child support payments in arrears. If he owns real estate, they can put a lien against his property. KAYA SIGURO MAS GUSTO NIYA RIYAN SA PILIPINAS. WALANG SABIT SA US GOVERNMENT PAGDATING SA CHILD SUPPORT PAYMENTS NIYA.. DAPAT IREPORT SIYA NA NANDITO SIYA SA BANSA. PUWEDE SIYANG MAKULONG KUNG HAHABULIN NI BUNNY ANG UTANG NIYA SA BATA.

  4. Mo di naman gwapo sobrang daldal pa.. feeling sikat.. pwede ba ayusin mo mo muna anak  mag suporta ka muna.. buti na lang nakakilala si bnny ng maayos na lalake para sa kanya at sa anak mo.. kapal mo.. natiis mo na nakatira sa maliit na studio ank mo at si bunny.. tapos panay pasarap mo dyan.. wla ka buto!!

  5. ha ha ha he started a joke but he just didn’t see that the joke was on him. that ‘s what you call Karma, next , Willie Revillame.

  6. hoy MO isa kang malaking MOMO sa showbiz…..papansin kah feeling moh sikat ka…mukha MO….ngeek ngeek MO……pareho lang kayo ni hayden kaya lang ikaw pasimple kung dumaldal….tsismoso….maga naman ang mukha kaka butoks…hahahahaha

  7. MO nakaka bored ka na lagi na lang patakot kay rhian ang tweet mo…..sana tutuhanin mo na!!

  8. in pain or guilty lang siya kaya siya lalayas ng bansa, na pe-pressure yata ito ke ida henares dahil ngayon bukong buko ng nagsasama kayo ni rhian na pati toothbrush mo ginagamit ni rhian, at baka naman pagkagaling mo galing abroad i -tsismis mo na naman ke cristy at ruffa na magkasama na naman kayo ni rhian hahaha …hinahabol ka na ni bunny paras sa suporta sa anak mo hindi mo pa mabisita ang special child nyo. nagpapasarap ka na yung anak mo naman kawawa hindi mo pa mabisita.

  9. Mo, a cross between Mura and Mahal has again gotten the spot light. If ever you have the chance to comeback earlier from your vacation PLEASE DON’T.
    Blind item is Christian Bautista – ang malditang singer

Leave a Reply

Your email address will not be published.