STEVEN SILVA, NAGHAHANDA SA PAGPAPASEKSI!

PAGKATAPOS NG MATAGUMPAY na pagpapalabas ng top-rating afternoon drama na Koreana na pinagbidahan ni Kris Bernal, ang pag-aaral naman ng pagta-Tagalog at pagpapaganda ng katawan ang pinagkakaabalahan ng Starstruck V Ultimate Male Winner na si Steven Silva. Gusto raw kasi niyang mapulido ang Tagalog, kaya naman puspusan ang ginagawa niyang pag-aaral nito, para mas umabante pa siya at magkaroon ng laban sa mga young actors ng Kapuso TV Network.

Tsika pa ni Steven, kahit ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan ay tinuturuan na siyang mag-Tagalog para mas mapabilis ang kanyang pagkatuto. Bukod dito, busy din siya sa pagpapaganda ng katawan para makasali at maging cover boy ng Cosmopolitan Bachelors 2011.

Willing na raw itong magtalop at magpakita ng konting skin, kung nakaya raw ni Fabio Ide at Rocco Nacino ‘yon, kaya rin daw niya. Kaya naman doble ang effort niya sa pagpapaganda ng katawan. Kabog!

HINDI MAN VISIBLE sa showbiz sa Pilipinas ang Pinoy/Canadian idol na si Ramil Omosura, umaalagwa naman ang career nito sa Canada na bukod sa kanyang singing career at paglabas sa Hollywood films na ginagawa sa Canada, isa na rin siyang record producer via his Ecclesiastes Entertainment .

Ang kanyang dalawang bagong recording artist ay ang Pinay diva at mala-Christina Aguilera kung bumirit at tinaguriang Vancouver’s Sweetheart na si Ethel Rose Amistad at ang batang-bata pero mala-Jennifer Lopez kung mag-perform na si Geena Geneza. Parehong umabot na sa 10 thousand copies ang nabentang album ng dalawa sa Canada. Kaya Certified Gold na ang kanilang album.

Bukod kay Ethel at Geena, may iba pang Pinoy/Canadian singers ang nakatakdang bigyan ng break ni Ramil para magkaroon ng sariling album. May shows din siya tulad ng The 1st Annual Fil-Can Asian Music Festival 2011, at ang Making the Band: The Search for the 1st Fil/Asian Boy and Girl Band.

ISANG NAPAKAGANDA AT makabuluhang proyekto ang hatid ng masipag at mabait na Vice Mayor ng Manila na si Hon. Isko Moreno ang Takbo ng Manileño, kaya naman iniimbitahan nito ang lahat ng mahilig tumakbo na sumali sa Fun Run na magaganap sa March 27, 2011 (Sunday), 5 am, Quirino Grandstand Manila.

Proyekto ito ni Vice Mayor Isko for the benefit of Manila Public Schools Computer and Speech Laboratories. For inquiries, tumawag sa 527-0992 / 527-3789 at hanapin sina Daddie Wowie Roxas at si Ms. Lynette or Gigi.

BLIND ITEM: SINO ang young star na ito na ang bata-bata pa ay sobrang kerengkeng na at nagpi-feeling dalaga na? Tsika ng aming source, grabe raw kung manamit ang young star na animo’y full-pledged dalaga na at kung umasta ay daig pa ang mga young stars na mas dalaga na sa kanya.

Kahit nga raw ang ibang stars ay naaasiwa sa ikinikilos ng young star na kuntodo contact lense pa with matching makapal na make-up. Balita pa na ito raw ang dead na dead sa kanyang kapareha at very vocal sa pagsasabing crush niya ang ka loveteam. Dedma naman ang ka-loveteam niya kapag tinatanong kung crush niya rin ang kanyang kapareha. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “STEVEN SILVA, NAGHAHANDA SA PAGPAPASEKSI!

  1. Kuya Steven?…

    If he really wants to try new, to show some skin, go on…

    We’re here to support you and we know that it will help you to become a versatile performer and actor…

    We love you for who you are and we will be happy in your future decisions and actions because we believe in you…

    I miss u kuya STEVEN… we miss u so much :))

    hope to see you soon and God Bless you and your family… !! :))

Leave a Reply

Your email address will not be published.