Stepson ni Usher, pumanaw na!

PUMANAW NA si Kyle Glover, ang stepson ng R&B singer na si Usher sa ex-wife nitong si Tameka Foster.

Pinagdesisyunan nang  tanggalin ang life support ni Kyle at tuluyan na itong pumanaw dahil sa brain damage na tinamo n’ya sa isang jetskiing accident.

Last July 8 naganap ang fatal accident sa Lake Lanier sa Atlanta, kung saan sakay si Kyle sa isang inner tube nang tamaan ng isang passerby na nakasakay naman sa jetski. Isang Jeffrey S. Hubbard diumano ang nakadisgrasya sa stepson ni Usher.

Dineklarang medically brain dead si Kyle nang dalhin ito sa ospital and for two weeks ay umasa ito sa life support.

Dobleng trahedya ngayon ang nararanasan ni Usher dahil sa pagkamatay ng kanyang stepson at sa ongoing custody battle ni Usher sa mga anak nito kay Tameka.

 

JESSICA SANCHEZ, MAY BOYFRIEND NA!

 

MAY BOYFRIEND na ang American Idol first runner up winner na si Jessica Sanchez!

Sa isang Internet U Stream chat last week, kung saan nakipag-chat ito sa mga fans regarding sa kanyang show, sa career at sa personal aspect, ay nausisa ang Fil-Mexican idol lalung-lalo na sa kanyang lovelife.

Inamin ito mismo ni Jessica na she’s dating DeAndre Brackensick na isa sa mga finalist sa American Idol.

Ayon pa mismo kay Jessica, “I got a secret and I want you guys to guess. I’ll nod if it’s no or yes.”

At isang chatter ang nagtanong kung me boyfriend siya, tanging nasagot lang nito ay, “Hahah. He’s my boyfriend. Love you guys. Byeeee!!!”

Magkasama ang dalawa sa summer long, kasama ang iba pang mga semifinalists sa American Idol tour.

 

MARIAH CAREY, KAPALIT NI JLO SA AMERICAN IDOL!

 

NGAYONG MAINGAY ang paglayas nina Steven Tyler at Jennifer Lopez bilang mga judges ng American Idol, kumpirmadong magiging judge na ang Songbird na si Mariah Carey ng AI.

“As a singer, songwriter and producer, it’s going to be fun and rewarding to help find new talent and give back with American Idol,” pahayag ng number-one hit maker.

Balita ring tumatanginting na $17M+ daw ang magiging paycheck ng “Butterfly” singer.

Kasalukuyan ay busy si Mariah sa kanyang album at sa susunod na buwan ay ilalabas na ang unang single niya na “Triumphant” na kasama sa kanyang bagong album.

Makakasama na rin ni Mariah bilang judge ang kanyang dating manager na si Randy Jackson.

Para naman sa third seat as judge ay matunog din ang pangalan ni Adam Lambert at balita ring interesado ang soul diva na si Aretha Franklin na maging judge ng AI.

 

DEMI MOORE, UPSET SA RELASYONG ASHTON KUTCHER AT MILA KUNIS

 

SA KABILA ng mga naglalabasang mga larawan ng pagdi-date at paglalambingan nina Ashton Kutcher at Mila Kunis ay panay pa rin ang tanggi ng dalawa na may namamagitan sa kanila.

At kamakailan lang ay may lumabas na namang larawan ng dalawa na naghahalikan habang nasa isang intimate date.

Marami ang naniniwala na magsyota na nga sina Ashton at Mila at balita ring isang nilalang ang upset sa namamagitan sa dalawa, at ito ay walang iba kundi ang ex ni Ashton na si Demi Moore.

Allegedly super upset daw si Demi dahil sa maagang pagmo-move on ni Ashton samantalang ilang buwan pa lang naman silang naghihiwalay.

 

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.