Stepdaughter, Inutas ng Amain

DAHIL SA matinding pang-uusig ng kunsensiya, sumuko sa mga awtoridad ang isang amain at inamin na siya ang nakapatay sa kanyang anak-anakang si Jenney Marie sa Brgy. Ginalinan Nuevo, Dingle, Iloilo.

Sumuko kamakailan sa Dumangas Municipal Police Station ang suspek na si Edwin Durano, residente ng Mabini St., Dumangas ng nasabing lalawigan.

Inihayag nito na kanyang ikinagalit ang umano’y pagkakaroon ng bisyo ng biktima at ang palaging pag-alis nito ng bahay kaya’t kanyang napatay.

Maaalala na noong Huwebes pa noong nakaraang linggo nang matagpuan ang bangkay ng biktima na may sugat ng pagkakasaksak sa leeg sa Brgy. Ginalinan Nuevo sa bayan ng Dingle.

Maraming pamilya na ang nagbisita sa pag-aakalang kaanak nila ang biktima subalit hindi pa rin ito nakilala hanggang sa umamin na ang amain nito sa ginawang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.