Stem Cell Therapy, Imoral – CBCP official

TINAWAG NA imoral ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang embryonic stem cell therapy sa Pilipinas.

Sinabi ni CBCP-Episcopal Commission on Bio-ethics chairman Malolos Bishop Jose Oliveros na ang pagsasagawa ng embryonic stem cell treatment ay nakakapatay ng isang tao bago ito maisagawa sa taong nangangaila-ngan ng lunas.

Ayon pa kay Bishop Oliveros, nakapahalaga ng buhay ng tao na bigay ng Panginoon.

Maliban sa embryonic stem cell treatment, pinag-iingat ng nasabing obispo ang mga Pinoy sa sinasabing animal stem cell o animal fresh cells therapy na isinasagawa sa Germany.

Samantala, pi-nayuhan din ni Bishop Oliveros ang lahat na maging alerto at mapagmatyag at pag-aralang mabuti ang proseso at uri ng naturang therapy bago sumailalim sa treatment.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.