Stem Cell Therapy Centers, Binalaan ng PMA

NAGBABALA ANG Philippine Medical Association (PMA) kaugnay sa mga naglipanang stem cell therapy centers sa bansa.

Sinabi PMA Vice President Dr. Leo Olarte na nasa experimental stage pa ang pagsasagawa ng stem cell therapy at wala pang pormal na pag-endorso ang kanilang asosasyon.

Wala pa rin aniyang patunay na sa kabuuan ay nakagagaling ito ng mga sakit.

Ayon pa kay Olarte, maaaring nagkakaroon ng maliit na benepisyo sa ilang sumailalim na sa stem cell therapy pero hindi pa ito siguradong magiging epektibo sa lahat.

Samantala, hindi pa suportado ng mga clinical evidence ang procedure sa stem cell therapy.

Base sa medical records, sinabi ng PMA na tatlong sources pa lang ng stem cell therapy ang napatunayang ligtas kabilang ang bone marrow, peripheral blood at umbilical cord blood na nanggagaling sa tinatawag nilang autologous human sources.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.