Stella Marquez-Araneta, galing sa lugar ng durugista! – Ma. Isabel Lopez

MULI KAMING NAGKA-CHIKAHAN ng dating beauty queen at title holder na si Ma. Isabel Lopez, na hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago ang sexy nitong katawan. Kainggit ang kaseksihan nito.

Muling napag-chikahan namin ni Isabel ang paghakot ng parangal ng pelikula niyang Kinatay. Marami nga ang nang-iintriga na second choice lang siya, at aminado naman ang beauty queen-actress. “Secod choice is the right choice,” pahayag ni Isabel, tungkol sa pelikula kung saan nahirapan daw talaga siya habang ginagawa ang nasabing pelikula.
Pero katumbas ng kanyang hirap ang sarap naman, dahil sa kinalabasan nito nang mapili ang pelikulang Kinatay sa Cannes Film Festival.

Very proud nga ang beauty queen-actress, dahil sa festival na ‘yun, binigyan ng importansiya ang pangalan niya bilang beauty queen, at ang kanyang pagka-Pilipino. Ipinagsigawan nga raw ang pangalan niya at ipinalabas sa iba’t ibang bansa. Abot-tenga nga raw ang ngiti ni Isabel nang i-chika niya sa akin ang kanyang nagng experience doon.

“Naku, Tita! ‘Pag baba ko pa lang ng hotel, nakaabang na ang maraming kamera at sasakyan na maghahatid sa amin sa venue. At ang mga tao, super-saya nila, lalo na nu’ng naglalakad na ako sa red carpet, at tinatawag isa-isa ang pangalan namin, super-proud talaga ako. Iba ang trato nila roon. Kaya malaki ang pasasalamat kay Direk Brillante, at isa pa, na-represent ang country, kaya proud ako.”

At muling bumuwelta si Isabel kay Ms. Stella Marquez-Araneta, kung saan naging kontrobersiyal ang actress kamakailan lang nang hindi ito imbitahan sa Bb. Pilipinas. Malaki ang hinanakit ni Isabel kay Stella Marquez, sukdulan hanggang langit, kaya hindi na niya inaasahang maiimbitahan pa siya sa susunod na pageant.

“Kahit kay Precious Lara quigaman na nag-text pa sa kanya, hindi niya nireplayan. Bastos siya,” sabi pa ni Isabel. Dagdag pa niya, “Si Stella, ikinahihiya ako, samantalang saan siya galing? Sa lugar ng mga drugs, at nakapag-asawa lang siya ng Araneta, ganu’n na lang siya kung umasta.”

Kalerke ang mga binitiwang rebelasyon ni Isabel, na hanggang ngayon, hindi pa rin humuhupa ang galit. Hirit pa niya, “Mamamatay muna si Araneta-Marquez bago ako pumunta sa Araneta.”

Nakakaloka, halos mawindang ako sa binitiwan niyang pahayag. Kasama si Isabel sa Baklas, kung saan ginampanan niya ang role ng isang kidney trader, directed by Neil tan, na hindi na ako kinailangan pang kumbisihin, dahil isa siya sa mga award-winning direktor. ‘Yun na!

OLA CHIKA! MULI kaming nagka-chikahan ni Maricar Madrid sa bago nitong ginagawang pelikula, kung saan may hamon sa buhay at pulitika, na may pamagat na Baklas. Iba na naman ang ginagampanang role dito ni Maricar kung saan isa siyang napaka-cheap na pokpok o prosti. Kalerke, ha?!

Muli kong naitanong kay Maricar ang tungkol s apagkakadawit ng kanyang pangalan sa Maricar Reyes na mayroong sex video.

“Super po talaga akong naapektuhan, dahil unang-una, magkapareha kami ng pangalan. Kaya ‘poag tinatawag akong Maricar, nakatingin ang mga tao sa akin. Napagkakamalan akong si Maricar Reyes, eh, hindi naman. Kaya Madrid na ang gamit kong name.” Sabi pa niya.

Hmmm… hindi naman kaya dahil sa special sa kanya ang dating dyowa ni Alma Moreno na si Gerald Madrid? Hahaha! Super special nga raw kasi sa kanya si Gerald nang aking matanong. Halos tatlong beses nga raw sa isang linggo sila nagkikita, at take note, pumupunta ang aktor sa bahay ni Maricar, ayon na rin sa aktres. At dahil mahilig si Maricar sa wine o alak, ‘yun ang palaging dala ng aktor sa kanya, kung minsan naman, fruits. Hahaha! Naku, mistulang may sakit, kasi fruits. Hahaha! ‘Tsing lang!

Kaya naman pala Madrid na ang ginagamit ni Maricar ay dahil ‘yun pala ang tunay na apelyido ng ina nito. At naloka ako, mula sa bibig ng aktres, na siya pala ang unang tinawagan ni Gerald nang maaksidente ito nu’ng Sabado nang madaling-araw. Naku, ha?

Todo-alala naman ang aktres sa aktor kaya agad niya itong ipinadala sa ospital para magamot. Nasa maayos nang kalagayan ang aktor. Ipinaliwanag naman ni Maricar na ang pagiging special sa kanya ni Gerald ay may boundary naman, at magkaibigan lang daw sila. ‘Tsing! Hahaha!

Makakasama ni Maricar sa pelikulang Baklas ang mga bigating artista at super-power cast ang mga ito na kinabibilangan nina Rosanna Roces, Ma. Isabel Lopez, Melissa Mendez, Tiya Pusit, madam Auring, Liza Lorena, Roi Vinzon, Aiza Marquez, Pia Moran, ang inyong lingkod, at marami pang iba.

Bonggacious talaga! Dagdag pa ni maricar, very inspiring daw ang movie na ito. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Stella Marquez-Araneta, galing sa lugar ng durugista! – Ma. Isabel Lopez

Leave a Reply

Your email address will not be published.