Stef Prescott, willing to bare more skin!

MUKHANG MABENTANG-MABENTA si Aljur Abrenica, dahil from the comedy concert queen na si Ai-Ai delas Alas na gustong makasama sa pelikula ang hunk actor, ‘eto naman ang June FHM covergirl na si Stef Prescott at si Aljur din ang gustong makasama sa isang pelikula o soap na may maiinit na love scene.

Ayon sa GMAAC star, si Aljur daw ang pinili niya dahil pareho silang galing sa Starstruck Batch 4, kung saan naging close daw sila. Kaya naman among guys sa GMA-7, si Aljur ang gusto niyang makatikim sa kanyang alindog.

Mukhang palaban na nga si Stef after nitong mag-pose nang sexy at daring sa nasabing men’s magazine. Bukod sa mainit na love scene, willing na raw magpakita ng konting flesh si Stef sa mga proyektong ibibigay sa kanya ng GMA-7.

Kung daring daw ang role niya sa Captain Barbell, triple nu’n ang puwede niyang gawin sa mga susunod niyang proyekto, basta daw in good taste at hindi bastos ang kalalabasan ng bawat eksena.

Tsika pa nito na kung kaya raw nina Iwa Moto, Jackie Rice at Rich Asuncion na magpa-sexy sa kani-kaniyang show, doble o triple raw nito ang kaya niyang gawin. ‘Yun na!

 

TALK OF THE town ang sobrang tagal na love scene ng dalawang bida sa bagong afternoon soap ng GMA-7, ang Sinner or Saint” na papalit sa Nita Negrita, na sina Dennis Trillo at Bianca King, at inabot ng 15 minutes dahil sa iba’t ibang anggulong kinunan ng mahusay at batikang direktor na si Don Michael Perez.

Unforgettable nga raw iyon kay Bianca na first time mapapayag na magkaroon ng love scene, kung saan pareho silang naka-topless ni Dennis, dahil na rin sa kinakaila-ngan sa eksena. Handa nga raw gawin ni Bianca ang lahat-lahat para mas mapaganda ang kanyang pinagbibidahang soap.

Bukod kay Bianca at Dennis, kabituin din ng mga ito sa nasabing soap sina Matthew Mendoza, Timmy Cruz, Derrick Monasterio, Kim Komatsu, Divina Valencia, Jenine Desiderio, Alessandra De Rossi at Polo Ravales.

 

ALTHOUGH IN LOVE ngayon sa kanyang non-showbiz girlfriend si Polo Ravales, wala pa raw itong balak na lumagay sa tahimik. Sa ngayon daw, ini-enjoy muna nila ang BF/GF relationship at mas gusto muna nilang kilalanin ang isa’t isa.

Kung si Polo ang masusunod, ang kanyang recent GF na ang gusto niyang makasama habambuhay, hindi lang daw kasi maganda ito sa panlabas na anyo, kundi maging ang nilalaman ng puso nito ay busilak. Boto nga raw ang pamilya niya rito at kasundung-kasundo ng Mommy Ellen niya.

For now daw, ang pagtatrabaho muna ang aatupagin ni Polo, lalo na’t sunud-sunod na naman ang dating ng magagandang trabaho sa kanya, kung saan kasama siya sa cast ng Sinner or Saint sa role ni Alvin na isang investigative journalist na may pusong-bato, pero mai-in love kay Noime na gina-gampanan ni Bianca King.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Stef Prescott, willing to bare more skin!

Leave a Reply

Your email address will not be published.