STD, KUMAKALAT SA PANGASINAN Mga Bahay-Aliwan, Sentro ng Prostitusyon

NAGIGING INUTIL ANG LIDERATO ng mga opisyal ng kapulisan at mga empleyado ng Department of Health (DoH) hinggil sa umano’y pagkalat ng mga sexually-transmitted disease (STD) sa mga bahay-aliwan, partikular na sa siyudad ng Dagupan. Ito ang napag-alaman sa ilang mga kalalakihan na umano’y mga kostumer sa mga bahay-aliwan sa nabanggit na siyudad.

Nabatid na ang tinutukoy na mga bahay-aliwan ay ang Dis-Capsule disco pub at ABSTRACT disco pub na pag-aari ng isang iligalistang Intsik na malakas ang kapit sa kanilang alkalde at hepe ng pulis na nagngangalang Danny Chan.

Ipinagkakalat ni Chan sa mga residente rito na nagbibigay siya ng lingguhang lagay sa mga city officials at sa kanilang alkalde kaya hindi puwedeng ipasara ang kanilang iligal na establisimyento.

Ayon pa sa nakalap na impormasyon ng Pinoy Parazzi, malalaswa  ang ipinapamalas ng mga kababaihan na nagsasayaw sa entablado na nagpapakita na ng mga ari at dibdib sa mga mahihilig na kostumer habang sumasayaw ang mga ito.

Nabatid pa na ang mga kababaihan nilang mga GRO at mga dancer ay galing umano sa mga laos nang club sa Kamaynilaan na pawang mga laos na rin at may nakahahawang sakit, kaya roon na lamang itinapon sa nabanggit na dalawang bahay-aliwan sa Arellano Bani sa nabanggit na siyudad.

Ayon pa sa mga residente rito, isang nagngangalang Edwin ang nagsisilbing manager at bugaw umano sa nabanggit na bahay-aliwan na siyang nakikihati pa umano sa katiting na kita ng mga babae na nagpapakangkang sa loob ng VIP room sa mga nasabing bahay-aliwan.

Ang masaklap pa umano, ginagawa nang motel ang mga VIP room na roon nakikipagtalik ang mga kababaihan sa mga kostumer sa murang halagang limang daang piso lamang kapalit ang panandaliang-aliw.

Malakas din ang mga nabanggit na sex den sa City Health Unit kaya kahit walang weekly check-up ang mga kababaihan ay pinapayagan na lamang silang magtrabaho kapalit ang konting lagay sa City Health Officer para hindi sila hulihin.

Nagbibigay rin si Chan ng lingguhang lagay sa mga pulis, NBI, CIDG at iba pang unit kaya hindi sila hinuhuli sa kanilang malalaswang pinapamalas ng mga kababaihan at mga iligal na hanapbuhay sa nabanggit na siyudad.

Dahil dito, marami na ang mga nagrereklamong mga kostumer na nagkakaroon sila ng sakit na STD na nakukuha sa mga kababaihan sa mga nabanggit na bahay-aliwan sanhi ng kapabayaan ng City Health, mga pulis at mga city officials sa nabanggit na siyudad.

Nanawagan ang mga residente sa nabanggit na siyudad kay Mayor Benjie Lim na ipasara ang mga nasabing bahay-aliwan gawa ng nakakasira lamang sa magandang imahe ng mga Dagupeña at pati ang mga matitinong mga kababaihan ay napagkakamalan na ring mga ‘pokpok’. (Pinoy Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.