Status Quo Ante Order Kontra RH Bill, Pinalawig

PINALAWIG NG Korte Suprema ang inisyung status quo ante order (SQAO) laban sa implementasyon nang kontrobersiyal na Reproductive Health law.

Sa botong 8-7, pinalawig ng kataastaang hukuman ang naturang kautusan hangga’t wala umanong bagong desisyon sa kaso.

Matatandaan na sa ginanap na oral argument noong nakaraang linggo, tumagal nang halos tatlong oras ang pagsalang sa isa sa mga petisyuner na si Atty. Maria Concepcion Noche, matapos itong maglahad ng kaniyang argumento.

Kabilang sa sumentro na nasabing  isyu ay kung maituturing na mali na ipapamahagi sa publiko ang mga paraan sa contraception at fertility control.

Naniniwala si Noche na hindi nabibigyan ng maayos na pagpipilian ang publiko dahil patuloy na itinatanggi ng mga respondent lalo na DoH ang negatibong epekto ng contraceptives na may kakulangan sa information dissemination.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Noche sa hindi ligtas na pamamahagi ng contraceptives na walang supervision na aniya’y mapanganib.

Naging sentro rin ng usapin kung saan galing

ang buhay na sinang-ayunan din sa pamamagitan ng mga pagtatanong ni Supreme Justice Jose Mendoza, Antonio Carpio at Diosdado Peralta.

Ayon kay Justice Carpio, may pinagbabatayang medical authorities ang panig ng petisyuner at respondent tungkol sa kung saan nga ba nagsisimula ang buhay.

Una nang sinabi ni Noche sa kaniyang argumento na batay sa mga medical expert, ang buhay ay nagsisimula sa fertilization na nangyayari kapag ang egg at sperm cell ay nagkita o naging isa na nagreresulta sa fertilized ovum.

Sa panig naman ng mga respondent, ang buhay umano ay nagsisimula sa implantation na nangyayari sakaling ang fertilized ovum ay nakarating na sa uterus.

Samantala, dahil hati ang medical authorities sa usapin kung kailan nagsisimula ang buhay, paano raw maaasahan na ito ay maresolba ng hukuman na binubuo ng mga mahistrado na hindi naman eksperto sa usapin.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.