Status: It’s Complicated

<strong>Pauleen-Vic</strong><br>HINDI MAN kumpirmahin ng dalawa eh, mukhang item na nga sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Tinatawag ngayong bagong first lady ng Eat Bulaga si Pauleen. Matatandaang marami ring naging karelasyon si Bossing Vic sa Eat Bulaga katulad nila Christine Jacob, Coney Reyes at Pia Guanio na ngayon kasal na at may anak. Marami ang nag-react noong napapabalitang nagde-date ang dalawa dahil na rin sa malaking age gap nila, kung saan 57 na si Vic at 23 naman si Pauleen. Base sa isang kolum ni Ricky Lo, na ayon sa kanyang source na malapit sa dalawa, official item na nga ang mga ito. Pinapayuhan naman si Pauleen na huwag daw itong umasa ng kasal dahil wala na raw ito sa bokabularyo ng beteranong host. Nakumpirma naman ang matagal nang isyu sa dalawa nang magkasabay silang nanood sa premiere night ng ‘D Kilabot Brothers, at magkatabi sa upuan. Sabi pa nga ni Vic sa interview sa kanya, ‘what you see is what you get, ‘di ba?’

Picture 1 of 5

By Janelle dela Cruz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.