State visit sa PH, trip ni Obama

INANUNSYO NA ng White House ang walong araw na pagbisita ni US President Barack Obama sa apat na mga bansa sa Asya.

Sinabi ng White House officials na ang biyahe ng presidente sa Pilipinas, Japan, South Korea at Malaysia ay para pagtibayin pa ang commitment ng Estados Unidos sa Asia-Pacific lalo na sa larangan ng ekonomiya at pagpapatibay ng alyansa sa rehiyon.

Inaasahan na rin ng ilang tagamasid na lalong lilitaw ang usapin sa regional security dahil ang  Pilipinas,  Japan at Malaysia ay may sigalot sa bansang Tsina dahil sa pag-aagawan sa ilang teritoryo o isla sa South China Sea.

Base sa isinagawang breifing ni US National Security Adviser Susan Rice sa mga mamamahayag sa  itinerary ni Obama, nilinaw nito na ang Pilipinas at Japan trip ng pangulo ay official state visit.

Magkakaroon umano ng formal dinner si Obama kay President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Isa rin sa nakahanay na schedule sa Pilipinas na inanunsyo ng White House ay ang pag-inspeksyon ni Obama sa bagong imbento na electronic vehicle na tinaguriang “the Comet.”

Ang hitsura ng COMET  o City Optimized Managed Electric Transport ay may hawig na pinagsamang jeepney at bus.

Ang nasabing imbensyon ay environment friendly na gumagamit ng electric battery sa halip na diesel-powered.

Ang baterya ay gawa sa lithium iron phospate, ang parehong baterya na ginagamit ngayon tulad sa Android phone.

Inaasahan na ang biyahe ni Obama sa bansa ay sa Abril 28 hanggang Abril 29.

Dito ay ipapaabot din ng Pilipinas ang labis na pasasalamat sa Estados Unidos lalo na sa mga tulong matapos ang iniwang pinsala ng bagyong Yolanda sa ilang lugar sa Visayas noong nakaraang taon.

Una namang inihayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Cuisia Jr. na maihahabol din sa pagda-

ting ng pangulo ng Estados Unidos ang tinatawag na “Agreement on Enhanced Defense Cooperation” sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ayon kay Cuisia, tiwala itong matatapos na ang naturang negosasyon ng kasunduan pagdating ni Obama.

Sa nabanggit na kasunduan, magkakaroon ng mas malawak na access ang US forces sa kampo ng militar sa bansa sa gitna ng umiinit na tensyon sa West Philippine Sea laban sa Tsina.

Kabilang din sa pa-ngunahing probisyon ang paggalang sa soberenya ng Pilipinas, hindi permanenteng pananatili ng US troops, hindi pagtatayo ng US military bases at pagbabawal sa paggamit ng mga tinatawag na weapons of mass destruction.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.