Starstruck V finalist: Rocco Nacino, mas type gawing big star ng Siyete?!

Hindi inaasahan ng marami ang pagkakapanalo ni Steven Silva bilang Ultimate Male Survivor sa katatapos na Starstruck V. Sa buong panahon kasi ng reality artista search na ito, madalas na nangangamote ang binata pagdating sa mga tests na pinagdaanan nila. Inakala nga ng iba na dahil sina Enzo Pineda at Rocco Nacino ang kumbaga’y mas kinakikitaan ng promise bilang artista, isa sa dalawa ang mananalo.

Kaso, umarangkada nga sa text votes itong si Steven. Na siyang nagpapanalo sa kanya. Nakagugulat na na-win niya pala ang suporta at paghanga ng mas nakararaming sumubaybay sa Starstruck V.

Hindi man siya ang nanalo, happy naman daw itong si Rocco na nakaabot bilang isa sa final 5. Sa libu-libong nag-audition, malaking achievement na raw sa kanya na nakaabot siya sa finals.

“Ang sa akin ngayon, makapag-payback sa mga sumuporta sa Starstruck,” aniya. “I’m not disappointed. I’m very proud of myself.”

Sinasabihan man na nangulelat si Rocco kina Steven at Enzo, balitang malamang na siya naman daw ang maunang magkaroon ng show among the final 5. Pero ayaw munang mag-comment ng binata tungkol dito. Baka nga naman kasi maudlot pa ang anumang pinaplano ng GMA-7 ngayon para sa kanya.

“I have to work my way out to stand out,” aniya. “Kaya nga right now, priority ang workshop for me. I have a lot to improve.”

Nursing graduate itong si Rocco. Paano kung maging maganda ang takbo ng pag-aartista niya? Hindi na kaya niya ipa-practice ang propesyong tinapos niya?

“Hindi ko pa masabi. Kasi hindi ko pa rin naman alam kung ano ba talaga? Let’s see. Sa ngayon kasi, gusto kong i-try ang anumang opportunity na darating sa akin after ng Starstruck.”

Kung sabagay, puwede naman niyang balikan o gawing fall back ang nursing profession balang araw. Ang naririnig lang naming tila hindi na raw niya puwedeng balikan ay ang kanyang girlfriend na inisplitan niya sa kagustuhang makapag-focus sa pagsali niya sa Starstruck.

Labis umanong nasaktan ang nasabing girl na ipinagpalit siya ni Rocco sa ambisyong pumasok sa pag-aartista.

May gano’n talaga?

SA PRESSCON para sa kanyang self-titled album, todo-deny ang isa sa naging finalist ng Pinoy Idol na si Carol Leus na “Pre-paid Queen” ang tawag niya sa winner ng nabanggit na contest na si Gretchen Espina dahil diumano sa paniniwala niyang siya ang dapat nanalo at hindi ang huli na napapabalitang gumatos nang malaki para manguna sa text votes.

“Wala po akong sinasabing gano’n,” natatawang reaksiyon ng baguhang recording artist. “’Yong mechanics naman po talaga ng contest is through text votes. At hindi ‘yon magwu-work kung wala ang support ng mga tao o ng texters. And tanggap ko naman po na si Gretchen nga ang mas sinuportahan ng texters. Kaya sana, huwag na sana po kaming intrigahin pa.”

Natanong din namin siya tungkol sa biglang pagka-turn-off niya sa crush na crush niya dating si Coco Martin nang malaman niyang may anak pala ito kay Katherine Luna.

“Ayaw ko po kasi sa guy na may anak na. Parang ano kasi… feeling ko may responsibility na siya. At do’n nga iyon sa bata.”

Eh, may isyu lately na naghahabol umano ng suporta kay Coco si Katherine para sa anak nila, pero deadma lang daw ang aktor. Tiyak na mas lalong turn-off na talaga si Carol sa aktor, huh!

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

7 thoughts on “Starstruck V finalist: Rocco Nacino, mas type gawing big star ng Siyete?!

  1. ok lang yan rocco kasi kahit runner up ka lang pwede mo pa rin lagpasan ang winner look at kris allen at adam lambert sa sales ng album kulelat si kris.

    si christian at eric massikat si christian bautista than eric

    at limited roles lang makukuha ng pangit na winner kasi inglesero baluktot dila. di siya pwede sa ibang roles like poor boy kasi inglesero siya at walang appeal yuck baka nakaipags-x sa judges para siya manalo or bumili ng libong libong sim para siya iboto

  2. Mga baklang kanguso, obvious na obvious puro bakla hahahha

    nagpapachupa sa mga producer para lang magka-trabaho! bahala na walang acting talent, basta magpapa-chupa lang okay na!

    Diba Aljur? hahhaa

  3. Naman!! Mas dadami pa ba ang badinger-z na nasa dos. Mula execuutives, hanggang talents puro badaf ang nasa dos!!! Yuck, mga leading men puro pa-minta…

    • Patawa Ang mga Maka-EBS – Kapamilyucks! ano naman ang pruweba mo na puro bading ang nasa DOS? labas mo nga!

      ang taong naniniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili! alam mo ba ‘yon?

      ok lang na basahin mo ang write-ups pero ang paniwalaan mo agad ng walang basehan, MAG-ISIP kang mabuti! inilagay ng DIYOS ang utak sa itaas ng ating katawan para gamitin ng maayos! do not judge kung ayaw mong husgaan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.