Starstruck talents, unlucky?

PINAG-UUSAPAN NGAYON SA showbiz kung ano ang ibig sabihin nitong mga sunud-sunod na kamalasang inabot ng mga taga-Starstruck. Ang unang pangyayari ay ang pagkamatay ni Marky Cielo nu’ng nakaraang taon.

Sinundan ngayon ng sex video scandal na kinasangkutan ni Katrina Halili at pati na rin ang kasong isinampa ni Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. Ang latest, itong kasong hinaharap ngayon ni Aljur Abrenica.

Nagkataon lang naman siguro ito, pero dapat na may gagawin na rin ang mga taga-GMA Artists Center para hindi na maulit ang mga ganitong gulo.

In fairness, hindi naman makontrol ang ganitong pangyayari kaya siguro dapat mag-ingat na lang at dagdag na dasal para matapos na ang ganitong problema.

Magkakaroon daw ng Starstruck ngayong taon at baka sa September na ito magsisimula.

Sana magsisilbing aral itong mga ‘di magagandang karanasan sa susunod na pagpili ng bagong talents sa Starstruck.

Survivor 2 Philippines to shoot in Australia

NAGSISIMULA NA NGAYON ang taping ng Survivor Philippines 2, at dalawang buwang mawawala ang host nitong si Paolo Bediones.

Sobrang secret ngayon kung saan ginanap ang naturang reality show, pero ang narinig namin sa Australia daw sila nag-shoot pero walang kumpirmasyon ito sa mga taga-Survivor.

Bago umalis si Paolo, nag-iwan ito ng intrigang break na raw sila ng girlfriend niyang model/ beauty queen na si Abby Cruz. Pareho ang nakalagay sa facebook nila na single na raw sila.

Hindi ito sinagot ni Paolo bago siya umalis, pero nangakong sasagutin daw niya pagbalik niya galing Survivor taping.

Si Abby Cruz naman, hindi nagkomento nang tinanong namin tungkol sa isyung ito. Pawang “no comment” lang ang sagot niya na malamang totoo ngang break na silang dalawa.

Katrina Halili and Hayden Kho both negative on drug test

PAREHONG NEGATIBO SA drug test sina Dr. Hayden Kho at Katrina Halili nang ipinatawag sila ng PDEA nu’ng kamakalawa. Naunang kinunan ng drug test si Hayden at sumunod ay si Katrina, pero hindi sila nagtagpo roon.

Nakahinga na rin nang maluwag si Katrina dahil gusto lang naman daw niyang patunayang mali ang ibinibintang sa kanya ni Hayden at ng kampo nito. Pursigido ito sa pag-file ng kasong libel sa ina ni Hayden na si Irene Kho na siyang unang nagbintang sa seksing aktres na nagdu-droga.

Kahapon naman, ang road manager ni Katrina na si Omar Sortijas ang nagsampa ng kasong libel sa ina ni Hayden. Isinampa niya ito sa Imus, Cavite dahil taga-roon si Omar. Kailangang harapin ni Mrs. Kho ang kasong ito, kaya lang ‘di ba taga-Imus din si Sen. Bong Revilla?

Actually, ayaw na ni Sen. Bong na magkomento sa pagsampa nina Katrina ng kaso sa ina ni Hayden, dahil wala naman daw siyang kinalaman du’n. Ang concern lang niya ngayon, mabigyan ng proteksiyon si Katrina at sana nga raw ay makabalik na ito sa kanyang trabaho.

Awang-awa si Sen. Bong kay Katrina dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nagtatrabaho dahil na rin sa payo ng kanyang abugado na kailangang harapin muna nito ang kasong ipinaglalaban niya.

by Gorgy Rula

loading...

3 thoughts on “Starstruck talents, unlucky?

  1. Puwede ba, please, pakisabi kay Pia Guanio na huwag nang mag-mini skirt, ang pangit pangit ng legs niya at tsaka OA at trying hard siya. Feeling beautiful pa siya? Hay naku.. Baka mabasawan ng viewers ang Eat Bulaga dahil kay PIA. Kinukumpara niya ang sarili niya kay Pauleen at Daiana eh mga beauties sila, si Pia parang nanay lang ni VIC. Super pangit talaga.

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #74

Leave a Reply

Your email address will not be published.