Starstruck graduate Princess Snell, may scandal?!

SOBRANG LAKI NG respeto at tiwala namin kay Ms. Mel Tiangco kaya ipinaglaban namin siya ng brasuhan sa mga deans ng leading universities sa Metro Manila in our capacity as the event’s chairman nu’ng naging recipient siya ng Best Female News Presenter some years back from Comguild Center for Journalism.

As a member of the Philippine Movie Press Club (PMPC), lagi rin naming binabanggit sa aking co-members ang kagalingan ni Ms. Mel sa pagpi-present ng news kapag season ng Star Awards for TV at napag-uusapan ang kategoriya kung saan siya kasali.

Si Ms. Mel ang aming idol among our female broadcasters in TV kaya very disappointed kami sa balitang iprinisinta ng beteranang broadcast journalist sa 24 Oras last June 10, kung saan binanggit niya na ang inyong lingkod ay haharap sa patung-patong na kaso (kasama na ang grave scandal, unjust vexation and resistance and disobedience), hindi raw kami nagtrabaho sa GMA-7, nakatakas daw ang aming kasama at fake daw ang ID ng GMA-7 na dala namin sa aming pouch.

Sabi ng GMA-7, balanse at puro katotohanan ang kanilang balita pero sa partikular news na ibinalita ni Ms. Mel, mukhang hindi naging balance at hindi naging makatotohanan ang ni-report ni Dante Perillo.

Una, nu’ng gabing ibinalita na patung-patong ang kasong kakaharapin ng inyong lingkod, na-withraw na ang lahat ng kasong ‘yon sa tanghali pa lang. Walang kasong isinampa at walang piyansa na nailabas.

Pangalawa, ang Assistant Administrative Manager ng GMA-7 mismo na si Ms. Florabel Yraola ang nag-certify sa amin na natrabaho kami sa mga programang Etching at S Files ng GMA-7 bilang field reporter. Nakalagay rin sa PEP na minsan ay nakakuha kami ng prestigious award dahil sa exclusive story namin sa S Files tungkol sa kasal noon nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa. Ipinagmalaki ‘yon noon ng naturang programa.

Pangatlo, hindi po kami nagdadala ng pekeng ID dahil ang GMA-7 ID na dala namin e, ID na ibinigay sa amin ng aming superior nu’ng panahong field reporter kami ng naturang showbiz programs. Gusto naming ipaalam sa pamunuan ng news department ng GMA-7 na bukod du’n e, meron pa kaming naitago na isa pang ID ng GMA-7 na galing din sa kanila.

At pang-apat, hindi rin po totoo na nakatakas ang aming kasamang PR client nu’ng gabing ‘yon dahil kasama ko siya mula 10 P.M. – 1:30 A.M. at dahil madaling-araw na, nagmagandang loob ang dalawang pulis na ihatid siya sa labas ng city hall para kumuha ng taxi pauwi.

Tama ang 24 Oras. Mabilis pa sa alas-kuwatro kung magbigay sila ng balita, pero nakalulungkot din na kasing-bagal naman sila ng pagong kung mag-clarify, mag-correct o kumuha ng panig ng kanilang nasirang reputasyon.

Hanggang ngayon, gusto pa rin naming maniwala sa 24 Oras. Hanggang ngayon, gusto pa rin naming tutukan ang 24 Oras kesa sa TV Patrol. Pero kung magpapatuloy ang kanilang unverified and imbalance reporting, siguro sa UNTV news program na lang kami tututok.

Hanggang ngayon din, malaki pa rin ang tiwala namin kay Ms. Mel at naniniwala pa rin kami sa naibigay naming award sa kanya bilang Best Female News Presenter dahil sa twenty years na tinagal namin bilang isang mediaman, naniniwala kami na binabasa lang ni Ms. Mel ang balitang ibinigay sa kanya ng kanilang reporter at researchers.

Wish lang namin (puwede na rin kay Ms. Vicky Morales), sana eh, maging last na kami sa biktima ng 24 Oras ng maling balita dahil hindi lang kami ang apektado roon, kundi pati na rin ang nagmamahal sa amin, okidokie?

NAKITA NAMIN SI Starstruck Princess Snell sa Startalk last Saturday at dahil du’n, nag-flashback bigla ang aming memory at marami kaming naalala tungkol sa kanya. At kung tatanungin n’yo kung grave scandal ba ‘yon tulad ng kasong nai-withraw sa amin sa Mandaluyong, ang masasabi lang namin e, abangan ang susunod na kabanata. He-he-he!!!

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Related Post

loading...

14 thoughts on “Starstruck graduate Princess Snell, may scandal?!

  1. alam m,,talaga namang dapat k kasuhan ng patong patong,,una bakit k nag present ng ID n isang dekada nang expired?(mag isip k nga),,second ginamit m ang GMA ?ano para maabswelto k s KAMANYAKAN MO?,,isa p hndi dini-nay n hndi k nag work s GMA s s-files,,sabi din s report n DATI/BEFORE(pas tense po iyan) kp nag wwork s kanila at HINDI KN KONEKTADO s GMA,,nag aral kb mr joey?at ano naman ang KONEKSYON n mel tiangco s mga awards awards n yan??cnbe b nya n IPAGLABAN M SIYA??josko naman kung awards d2 s pinas ang babasehan m ka cheapan talaga,,dahil kayo eh nababayaran,,kaya manahimik k s sintemiyento mo,,ano feeling m naagrabyado k nyan??

  2. this writer is sooo stupid … why would you carry and present an expired ID …. GMA should be suing you for doing so … ya you could have been an ex-employee but that doesnt mean you could go walk around telling people you are a valid employee cuz ya have an xpired ID you MORON…..!!

  3. At ba’t hindi mo sinurender ang ID sa GMA eh hindi kana konektado sa kanila? SOP iyan na u should return the ID sa company upon dismissal or leaving the company. Npaka yucky mo naman at nagkalat kapa sa kotse. ewwwwwwwwwwwwwwwwwww.

  4. at wag mong isumbat kung pinaglaban mo si Ms. Mel kung saan mang award giving bodies dahil hindi naman nya hiningi un sau o kahit kanino! Kung ano man award na nakuha nya she worked hard for it hindi binili o hiningi! Cheap mo talaga!

  5. Joey Sarmiento panoorin mong mabuti at pakinggan ng mabuti yung report ng 24 oras dahil ako mismo napanuod ko yun ng buo! Una hindi nila dineny na nag work ka dun pero way way before pa un during S-Files era pa eh ang tagal ng tigbak sa ere nung S-Files! wala ka ng program sa GMA-7 ngaun natural hindi ka narin nila empleyado that means paso na yang ID na pinakita mo tulad sa isang school id pag hindi na valid yung ID mo hindi na yun inaacknowledge noh! Isa pa si Ms. Mel Tiangco ay ginagawa lamang ang trabaho nya na mag deliver ng news kung ano yung nsa teleprompter hindi nya pwedeng piliin kung ano yung babasahin nya! Hindi naman si Ms. Mel ang gumawa ng report na yon! Mag isip-isip ka nga! gagawa gawa ka ng eskandalo wala ka man lang pang motel sa kotse ka pa nagkalat! sus maryosep!

  6. Bakitg naman kasi nagpapaniwala ka kay Mel Tiangco?

    Naka post sa youtube ang pekeng touch screen at hologram na ginamit ni Mel Tiangco at lahat ng newscasters sa GMA 7 nonng nakaraang eleksiyon.

    Hay naku, iyang GMA News ay sandigan ng ka-peke-an.

  7. bwahahaha so ikaw pala talaga yun? tanga mo naman tsong panoorin mo ulit ang news natatandaan ko sinabi nila na matagal nang defunct ang S files kaya di ka na empleyado ng gma!

    karma!

  8. Mabenta daw itong si princess snell sa mga mayayamang pulitiko at businessmen!!!

    Eh sa ganda ng mukha naman nito ay magbabayad siguradoa gn mga mayayaman. Kung si Pakbet Krista ay nakakuha pa ng mayaman…ito pang mukhang ito na pinagmukhang atsay lang si Krista?

    Balita na ito ang bagong kinalolokohan ni Manny Pacman.

  9. mr. sarmiento,

    panoorin mo ulit yung news ng maintindihan mo ang nilalaman… hinsi nila sinabi doon na hindi ka nagtrabaho sa kanila… they acknowledge that you used to be an employee for S Files pero sinabi nilang hindi na ngayon dahil nga matagal ng wala ang S Files… haller !!! pano ka pa nila magiging employee kung ang work na binigay sa’yo eh matagal ng dissolved… may ginagawa ka pa rin ba for GMA – 7 ??? para lang yang ID sa skul… kahit pa itago mo yan ng ilang daang taon, it doesn’t mean studyante ka pa rin dun… yup, hindi nga siya fake ID pero EXPIRED NA !!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.