Starstruck finalists, nagkaka-personalan na! – Mell Navarro

NASULAT NA NAMIN dito last Monday na nanghinayang kami sa pagkaka-tsugi ng dalawa sa may pinaka-promising maging “stars” in its truest sense sa Starstruck V – sina Princess Snell and Pierro Vergara, na for us ay talagang may magagandang “face value” kesa sa ilang mga natira.

Last Sunday, muntik namang maligwak ang dalawa pang the same level ng kaguwapuhan at kagandahan sa nasabing artista search ng GMA 7 – sina Rocco Nacino and Sara Lahbati.

Kung hindi pa ginamit ng StarStruck Council (Iza Calzado, Lolit Solis, Direk Freddie Santos) ang Factor 2, kung saan may power silang suspendihin ang elimination (na one time lang nila puwedeng gamitin sa show), eh, na-eliminate na sina Rocco and Sarah.

Sa aming opinion, nagkaka-personalan kasi ang mga Starstruck V finalists sa 20% na boto nila upang ma-eliminate ang mga kalaban. Siyempre, kung “malakas” ang mga guwapo’t maganda, malaking threat ito sa mga natitira, kaya ibinoboto nila upang ma-tsugi. 60% lang ang boto ng taumbayan at 20% from the Council.

In the past Starstruck editions, naging avenger rin lang (hindi winners) si Megan Young na ngayon ay inaalagaan na ng ABS-CBN. Gandang-ganda rin kami kay Megan nu’ng panahon niya sa GMA, pero hindi ito napansin at pinabayaan na lang.

Sa Pinoy Big Brother ng Dos ngayon, napapansin na rin si Johan Santos na dati ring from Starstruck. May luck factor din siyempre sa pagsali sa mga competitions like this, pero nu’ng nasa Siyete pa si Johan, ‘di rin siya naalagaan ng GMA Artist Center, huh!

So, sana lang ay ‘wag nang maulit pa sa Starstruck edition ngayon na kung sino pa ang deserving at future potential stars, eh, mapabayaang matalo at ang magwagi pa ay mga so-so o mediocre lang ang “itsu”.  Kung may attitude man, magagawan ng paraan ‘yan in the future, pero ang face value ay forever, ‘noh! Sayang sina Princess and Piero!

PARA SA MGA barakong nagpapantasya kay Angel Locsin, aba, malapit na nilang masilayan ang kaseksihan ng aktres sa bago nitong teleserye, ang Agua Bendita sa Kapamilya station pa rin.

Maraming swimming pool scenes si Angel, and lagi itong naka-sexy bikini outfit siyempre, or ‘yung sexy costume nito. Kasama rin sa new teleserye sina Jason Abalos, Matteo Guidicelli, at Andi Eigenmann.

What happens now kaya sa unang napabalitang gagawin ni Angel, ‘yung Kokey @ Ako with Vhong Navarro na pambatang TV show? Mukhang shelved muna ba ito or uunahin lang ang Agua Bendita, dahil mukhang ‘di rin right project ang Kokey @ Ako for someone as sexy as Angel?

Samantala, sa lovelife ay blooming pa rin si Angel dahil balitang nakikipag-balikan itong si Luis Manzano sa aktres. Ito namang si Efren Peñaflorida ay seryoso rin sa kanyang intensiyong ligawan si Angel, at kinausap na nga raw nito ang ama ni Angel, huh!
Good sport at gentleman rin si Luis kung totoo mang umakyat na ng bahay ni Angel si Efren upang manligaw. Talbog!
For feedback and comments, email us at mell_navarro@yahoo.com.ph

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

4 thoughts on “Starstruck finalists, nagkaka-personalan na! – Mell Navarro

  1. di ko nga maintindihan ang starstruck yung mga pinapapanalo nila walang face value. kakaloka ang lakas ng hatak ni diva mukha naman siyang bakla. dapat nung unang elimination pa lang tinanggal na siya di siya kagandahan. I hope manalo sina sa sara and roco. sa 1, jennylyn (chaka) sa 2, si ryza (chaka na wa pa career, sa 3 jackie rice (ok sana wala namang proj di pa sikat hanggang ngayon), sa 4 kris bernal (super chaka sa kanilang lahat, flop mga palabas at oa umakting). haaay sana makakuha naman sila na magtatabo ng mga acting awards at pwedeng ilaban sa beauty contest!

  2. Ay na hala,hindi po ‘yon si Angel Locsin..Si Andi po ‘yon anak ni Miss Jacklyn Jose…am I right?!!Madami nga talagang napagkamalan sila kasi magkamukhang-magkamukha sila sa unang tingin..

  3. Hay grbeh mdmi tlgng nagkamali sa agua bendita,eh ang bida d0n c andi eigenmann anak ni jacklyn j0se,mgkahawig cla ni angel dhl preh0ng tisay pr0 hnd kasama c angel d0n,an0 ba yan wla na bng matin0ng balita kay angel,una shelved na dw ang k0key tp0y ung m0vie wth aga malab0 pa,,mukhang nhrapan nga c angel mkpgsbayan sa npkaraming reyna ng abs,hnd kc k2ld sa gma nag iisa lang ciang reyna,kya lht ng atensy0n nsa kanya,eh sa abs sa s0brang dami na mas talented at mas nagra2te ang sh0ws kesa kay angel kya fr0zen muna cia,nsanay kc na 2l0y2x ang prjcts wlang pahinga,n0w sa abs s0bra2 ang pahinga,,bumalik nlng kya cia sa gma,agawin nia ang tr0n0 kay marian na dati namang kanya,,ang tan0ng p2yag ba c marian?at t2nggpn pa kya cia ng gma?naku2 im sure nababahala na mga angel fans…0h wg mapik0n cnb k0 lng 220…

Leave a Reply

Your email address will not be published.