Starstruck Avenger Jade Lopez, palaban na sa hubaran!

MUKHANG PURSIGIDO ngayon and dating Starstruck avenger na si Jade Lopez na gumawa ulit ng ingay sa showbiz, huh? Ikinagulat ng marami ang biglaang pagpapaseksi niya sa February issue ng FHM, kung saan kasama niya sa photoshoot ang dating Miss World 2008 na si Danielle Castano. Girl-to-Girl ang tema ng nasabing photoshoot at walang kiyeme ang dalawa sa pagpapaseksi.

Kilala bilang simple at mahiyain si Jade kaya ito ang itinuturong dahilan ng ilan kung bakit hindi umusbong ang karir nito. Habang hindi aktibo sa showbiz, nag-aral si Jade ng kursong BS Psychology sa San Beda College at nakapagtapos ito noong nakaraang taon.

Paano kaya magre-react ang mga bestfriend niya sa showbiz na sina Cristine Reyes at Stef Prescott na dating nagpaseksi na rin sa FHM? Ano kaya ang masasabi ng ex boyfriend niyang si Christian Esteban, na kilala sa pagiging wholesome at conservative? Naku po!

 

Leandro Muñoz at Iwa Moto, nagka-mabutihan na!

 

KUNG LATE last year ay pansamantalang naging syo-ta niya si Nadine Samonte, isa na namang Starstruck graduate ang napasagot ni Leandro Muñoz. Ito ay walang iba kundi si Iwa Moto!

Naging kontrobersiyal ang lovelife noon ni Iwa Moto na naging sanhi ng paglisan nito samantala sa bansa.

Nag-umpisa diumano ang pagtitinginan nina Leandro at Iwa nang magkakilala sila sa bakuran ng TV5. Madalas na lumalabas ang dalawa kaya sa sandaling panahon pa lamang ay nagka-inlaban na sila.

Isa itong pruweba na hindi totoo ang tsikang sinulot ni Iwa si Jay Perillo kay Kris Bernal, huh!

Masaya na rin ang ex ni Iwa Moto na si Mickey Ablan sa piling ni Janna Dominguez. Everybody happy na lang, okidoks?!

 

Michelle Madrigal, walang balak na layasan ang Siyete!

 

KINAINISAN NG mga televiewers ang pagganap ni Michelle Madrigal bilang Bridgette sa afternoon series na Kung Aagawin Mo Ang Langit, na magtatapos na nga-yong Biyernes. Ikinatuwa naman ng viewers ang chemistry nila ni Carla Abellana na madalas mag-bangayan dahil kay Mike Tan.

Malakas ang tsika na lilipat na sa ABS-CBN si Carla. Hinihintay na lang diumano ng homegrown Kapuso actress na mag-expire ang kanyang kontrata.

Nang tanungin kung balak nitong sundan ang kasamahan sa programa, sinagot naman ni Michelle na masaya siya sa Kapuso network.

Sa unang sabak ng Star Circle Quest unang nakilala sa showbiz si Michelle. Lumabas ito bilang kontrabida sa ilang Kapamilya shows bago ito naging certified Kapuso.

Sa ngayon ay wala pang napapabalitang bagong project si Michelle, pero siguradong hindi ito pababayaan ng Siyete.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

7 thoughts on “Starstruck Avenger Jade Lopez, palaban na sa hubaran!

  1. gosh ung mukha nya napakapal ng make up! geisha teh? geisha? hahahaha! atleast nga may ipagmamalaking nakapagtapos ng kolehiyo kesa sa mga bff nyang mga boldstar. hay naku i totally doubt kung may offer sa abs yang madrigal na yan, walang akting na maipagmamalaki, walang star appeal! hindi kailangang bigyan ng issue na lilipat ang isang unknown starlet, PLEASE LANG!!!

  2. tama ang ginawa ni JADE na tapusin ang pag -aaral niya hanggang college. Kahit hindi ka sumikat ngayon kagaya nila Christine ok lang yun dahil walang nagtatagal sa showbiz.. Pero tama ba yan nakikita ko sa PIX sa may bandang kilikili mo hehehe…… joke lang

Leave a Reply

Your email address will not be published.