Starstruck auditions, dinumog ng bagets

NALOKA ANG MGA staff ng Starstruck nu’ng nakaraang Linggo dahil hindi nila akalaing dadagsa ang napakaraming bagets na umaasang maging artista.

Ang kuwento sa akin, mga alas-dos ng madaling araw ng Linggo nagsisimula na raw silang pumila para makauna sa pagpapa-audition.

Hindi pa natapos ang SOP na kung saan doon ini-launch ang Starstruck  5, nagsimula na raw silang magpa-audition para ma-accommodate ang lahat na dumating.

Pero naloka naman ang mga staff dahil karamihan naman ay parang wala naman yatang salamin sa bahay nila o baka nanay lang nila ang nagsabing puwede silang mag-artista.

Ganu’n talaga! Libre lang daw ang mangarap sabi nga nila kaya pinagbigyan naman ang lahat na makapag-audition at baka nga may talent namang maipakita.

Sabi pa sa akin, nu’ng Lunes pa lang mahigit 70 thousand na ang nagpa-audition sa kanila, pero ewan ko lang kung ilang ang may karapatan ha!

Congratulations na rin sa GMA 7 dahil successful ang launching nito na ginawa sa SOP na may live telecast sa Cebu, Davao, Iloilo at Dagupan.

Sa dami nang gustong magpa-audition, mukhang maraming makakapasok na may karapatan at sana nga merong bagong mukhang pasisikatin uli ng GMA- 7.

by Lolit Solis

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.