Stars na punung-puno ng Magic!

Bilang bahagi ng 17th anniversary ng Star Magic, halos 40 sa kanyang pinagpipitagang artista ang nagsama-sama para sa series of concerts sa California noong June 27-28. Ang concert na pinamagatang Star Magic: The world Concert Tour ay talaga namang dinumog ng mga Pinoy sa California. Kitang-kita ang excitement at kilig sa mga kababayan nating Pinoy makita lamang sina Piolo Pascual, Sam Milby, Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, Gerald Anderson at ilan pa sa mga papable hunk ng Star Magic. Siyempre, hindi naman nagpahuli ang ganda ng mga girlaloos. Papayag ba naman silang matalbugan ng mga hunks? Charing!

Ilan lamang sila sa mga bituing patuloy na kumikinang sa industriya. Iniidolo, inaabangan. Kaya naman full force ang kani-kanilang mga fans kapag nagsama-sama sila sa iisang show. Ang tanong ng madla, hindi ba muling magsasama-sama ang buong Star Magic sa isang concert dito naman sa ‘Pinas? Tiyak jam-packed ‘yun ‘pag nagkataon. Watchateenk Mr. M?

Premiere Shots
by Jean Oli

loading...

One thought on “Stars na punung-puno ng Magic!

  1. sana nga magkaron din d2 sa pinas! sa araneta coleseum…paging MR. M plssssssssss ilove kimerald & ashlloyd.

Leave a Reply

Your email address will not be published.