Stars Candid: Erich Gonzales, hindi na inosente!

Mukhang ipinagkaloob na kay Erich Gonzales ang matagal na niyang hinihintay at hinihiling. Knows naman ng lahat na si Bebe Erich ang tinanghal na Grand Questor sa Star Circle Quest Season 2. Kahit siya ang nagwagi sa libo-libong nakipagsapalaran sa reality-based artista search contest, naging mailap sa kanya ang swerte sa showbiz.

Hindi naman nawala sa sirkulasyon itong si Erich. ‘Yun nga lang, wala pang show na talagang masasabing sa kanya. Pa’no ba naman kasi mga ka-parazzi, mga supporting roles lang ang natotoka sa ating bida. Sa katunayan nga n’yan, naging support siya sa launching teleserye ng tambalang Kimerald noon, ang Sana Maulit Muli. Napasama rin siya sa ilang mga teen-oriented shows. Pero hindi sumuko itong si Erich sa kanyang karera.

At ngayon nga, mukhang hindi na papahuli si Erich, huh! Dahil sa tinagal-tagal ng kanyang paghihintay, magkakaroon na siya ng teleserye na siya na ang bida. Siya lang naman ang napili para gampanan ang dating role ni Ms. Dina Bonnevie sa remake ng Katorse na malapit nang umere sa Dos. Kakaibang challenge ito para sa ating bida, huh! At hindi na siya basta pa-tweetums kaya abangan na lang ang bagong Erich sa Katorse dahil tiyak hindi na siya inosente. ‘Yun na!

Photos by: Luz Candaba, Mark Atienza, & Parazzi Wires

Stars Candid by Jean Oli

loading...

One thought on “Stars Candid: Erich Gonzales, hindi na inosente!

Leave a Reply

Your email address will not be published.