Stars Candid: Tambalang Marvin at Jolina, tototohanin na ba?!

Bago ang Tabing Ilog, patok na patok muna noon ang Gimik na pinagbidahan ng ilang sikat na teen idols tulad nina Rico Yan at Claudine Barretto, G Toengi at Diether Ocampo, Mylen Dizon at Bojo Molina, at siyempre, ang love ng masang sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

Naging household name ang ating mga chuvachuchu kaya nga hindi nakapagtatakang nagkasama pa sila sa ilang TV shows tulad ng Labs ko si Babes at Esperanza; at mga pelikulang FLAMES (The Movie); Kung Ayaw Mo…Huwag Mo; Labas Kita, Okey Ka Lang?; Hey Babe at Gimik: The Reunion.

Dahil hindi naman sila pwedeng forever teen stars, nagkaroon ng career decisions ang bawat isa. Nag-ober da bakod itong si Jolens sa Kapuso at naiwan sa Kapamilya si Marvin. Lumamlam ang karir ng huli, hanggang sa siya na mismo, eh, nag-ober da bakod na rin.

Nabigyan ulit ng chance ang loveteam ng screen partners at nagkasama sila sa TV shows na I Love NY at Dear Friend. Ngayon, nababalitang gagawa sila ng Adik Sa ‘Yo with Dennis Trillo at Jennica Garcia.

Sa ngayon, eh, pareho pang hindi happy ending ang lovelife ng ating mga chuvachuchu. Hiwalay na kasi itong si Jolens kay Bebong Muñoz samantalang abala naman itong si Marvin sa negosyo at walang nababalitang seryosong relasyon. Wala namang imposible sa taong naniniwala ‘di ba?

Ano kaya kung sa anong ikot ng tadhana, eh, ang dalawa rin pala ang magkakatuluyan?! Hmmm…pwede! ‘Pag nagkataon, sa hinaba-haba ng prusisyon, si Chuvachuchu Marvin at Jolina rin pala ang magtatagpo. May ganun?!

Stars Candid
by Mayin de los Santos

loading...

5 thoughts on “Stars Candid: Tambalang Marvin at Jolina, tototohanin na ba?!

  1. Naisip ko din yan eh. I mean, sina Judai at Claudine eh may asawa na. Si Jolens nalang, so ibig sabihin nun… Sila talaga ni Marvin! Hahaha

  2. lols now kolang nabasa tong article.. nagsearch kasi ako new pics ni jolens,,

    obvious naman kapamilya lang naman nandito sa paparazzi

  3. mag-cocomment nku sayang lang kc report mo pagppatunay lang e2 na laos na sila wla man lang nag-abala magbasa ako di ko binasa curious lang ako kung ano say ng mga tao, eh wah na paki..

Leave a Reply

Your email address will not be published.