Stars Candid: Darna and Super T, meet again

Dalawang taon nang nakakaraan ng una natin makitang magkasama sa telebisyon ang mga naggagandahang prized possesions ng Kapuso network na sina Marian Rivera at Nadine Samonte. Kung inyong babalikan ang nakaraan, matatandaan na unang isinabak si Nadine sa afternoon dramas pagkatapos niyang makilala sa Starstruck. Sunod-sunod ang mga soap opera niya katambal si Oyo Boy Sotto tulad ng “Ikaw sa Puso Ko” at “Leya”. Lumabas din ito sa ilang Sinenovela at tinangkilik ito ng manonood.

Si Marian Rivera naman ang naging leading lady ni Oyo Sotto ng mabuwag ang tambalan nila ni Nadine. Ilan sa mga naging programa nila ay ang Agawin Mo Man Ang Lahat, Kung Mamahalin Mo Lang Ako, Pinakamamahal

Unang lumabas sa primetime si Marian Rivera sa pambatang programa na Super Twins na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado (Super S) at Nadine Samonte (Super T). Ginampanan ni Yanyan ang papel bilang mabait na ina nina Sha-sha at Tintin, na kung lumalaki ay nagiging sina Super S at Super T.

Muli na naman nag-krus ang landas ng dalawang beauties na ito ng gawin ang pinoy besyon ng Marimar, kung saan si Marian Rivera ang bida at naglunsad sa kanya bilang big star. Si Nadine naman ang gumanap sa role na Inocencia, na una’y minahal at kalauna’y halos isumpa ng mga manonood. Hindi ininda ni Nadine ang mga malilisyosong balita tungkol sa kanila ni Marian. Para sa kanya, basta may trabaho siya, walang problema. Wala rin naging negatibong write-ups tungkol sa kanila noon.

Nakita namin ang mga larawan ng dating mag-ina ng Super Twins na magkasama sa isang pagtitipon. Hindi namin mapigilang alalahanin ang nakaraan at ang mangyayari balang araw. Alam na ng lahat na si Marian na ang susunod na Darna. Hanggang ngayon naman ay wala pa rin kaming nababalitang bagong proyekto ni Nadine. Makakasama kaya ni Darna si Super T sa kanyang susunod na palabas? Yan ang aalamin natin!

Stars Candid
by Mica Rodriguez

loading...

9 thoughts on “Stars Candid: Darna and Super T, meet again

      • SI ALJUR PATI C KRIS.HINDI CLA BAGAY KC ANG LIIT NI KRIS….D TLGA CLA BAGAY PROMISE ANG PANG8 TINGNAN NLANG DLWA….KC ANG LIIT LIIT NI KRIS..HOY KRIS MAGPANGKAD KA PRA MAG BAGAY N KAU N ALJUR……….

  1. Ngekkkk ang punggok ni Marian grabe layo ng tangkad ni Nadine, saka body ni marian di proportioned….

  2. Sana masama sya s darna..Tingn ko mabait naman sya so wlng problema, maganda dn sya tulad ng idol ko…Hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.