Stars Candid: STARS CANDID: Bugoy has an itch

Stars Candid
by Faith Salazar

Matapos hirangin bilang first runner up sa second run ng Pinoy Dream Academy, binigyan ng pagkakataong makapaglabas ng sariling album si Bugoy Drilon under Star Records. Well, kung taga-linis lang dati ng school canteen si Bugoy Drilon, ngayon naman ay numero uno na ang kanta n’yang Paano na kaya? Hindi lang ‘yan, bongga ito si Bugoy dahil pinarangalan rin s’ya bilang Most Promising Male Performer of 2008 sa Asian Star Entertainment Awards.

Ewan ko kung ano pa’ng makati kay Bugoy, pero I’m sure he’s itching for success sa pamamagitan nang kanyang kakaibang RnB voice. Nangangati na rin siguro s’yang mailabas ang sariling album ng kanyang co-dreamer na si Liezl Garcia sa taong ito. Ewan ko ba kung bakit ‘di ko naramdaman ang pagrelease ng album ni Laarni Losala kahit na s’ya ang big winner ng PDA no! Mas kabisado ko pa ang kanta ni Bugoy, talagang nakaka-last song syndrome! Bugoy, nangangati na rin kami dito sa Parazzi na mailabas mo ang iyong susunod na album kaya bilisan mo na, okey?

PHOTOS BY FERNAN SUCALIT

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.