Stars Candid: Sporty Rhian

Hindi natin maikakaila na si Rhian Ramos ang isa sa mga pinakasikat na leading lady ng GMA-7 ngayon. Kahit na maraming intriga ang ibinato sa kanya noon, napatunayan ng dalaga na meron siyang angking talento sa pag-arte at kahit papano ay nakuha na rin niya ang kiliti ng masa. Patunay dito ang mataas na ratings na nakuha ng La Lola kung saan siya ang bidang lalaki na naging babae. Bumenta sa mga manonood ang tambalan nila ni JC De Vera.

Kasalukuyang makikita si Rhian bilang ang napakagandang si Lolita sa Zorro, kung saan binihag niya ang puso ng bidang si Richard Gutierrez. Padami rin nang padami ang mga ineendorso niyang produkto – may anti-dandruff shampoo, sanitary napkin, pabango, damit at kung ano-ano pa! Ibig sabihin niyan ay dumadami na nga talaga ang kanyang tagahanga kung kaya’t pinagkakatiwalaan na siya ng mga kumpanya. Ang haba talaga ng hair ni Rhian!

Huling-huli ng aming parazzi cam ang sporty side ni Lolita. Naispatan siya kasama ang iba pang artista na naglalaro ng volleyball. Hmmm… mukhang competitive si Rhian, ah! Para kanino kaya ang bawat tama ng bolang inaalay niya?! Hmmm…

Stars Candid
by Mica Rodriguez
Parazzi Wires Photos

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.