Stars Candid: Sexbomb Dancers with Chuckie!

ANG SEXBOMB GIRLS ang puwede nating ituring na pinaka-matagumpay na all-female dance group dito sa Pilipinas. Minahal na sila ng publiko mula noong sila’y nag-umpisa sa Laban o Bawi segment ng Eat! Bulaga. Simula noon ay naging recording artists na rin sila at bumenta ang kanilang mga awitin. Bata man o matanda ay naaadik ay iniidolo sila. Aabot ba ng season 22 ang Daisy Siete kung wala silang malawak na fanbase? Wiz! Ilang programa na rin sa kabilang istasyon ang kanilang pinataob.
Noong nakaraang mga linggo ay nasangkot sina Sexbomb Aifha at Aira sa isang eskandalo na diumano sila’y sumasideline sa isang sikat na lugar sa Maynila. Ginimbal din nina Sexbomb Rochelle at Aifha (na naman!) ang ating Semana Santa ng mapabalitang may naka-engkwentro sila sa Boracay.

Totoo nga bang mahilig makipag-away ang mga Sexbomb Girls? Ooops, hindi po yung away na iniisip niyo, huh? Yung away bata lang tulad ng nahuli namin sa isang cosplay event kung saan nagtanghal ang mga sexy dancers na ito. Nakipaglaro at nakipaglaban sila sa napaka-laking chaka doll na si Chuckie! Sino ang nagsabi na hindi pwedeng mag-asal bata ang mga dalagang nakaberde na ito, aber?

Stars Candid
By Mica Rodriguez

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.