Stars Candid: Papable Lloydie

Walang dudang si Papa John Lloyd Cruz na nga ang successor ng hearttrob for all time na si Aga Muhlach. Sa gabi-gabing napapanood siya bilang si Armando Solis sa I Love Betty La Fea, aba’y lalong dumarami ang kanyang admirers na super-mega kilig makita lang ang napaka-charming at mahiwaga niyang ngiti, huh! Ano kaya ang sikreto nitong si Papa Lloydie at talaga namang napakaraming nahuhumaling sa kakaiba niyang karisma? Hmm…..

Mula sa pagiging teenstar, isa na ngayong sought-after leading man at most-prized drama actor ng kanyang henerasyon si John Lloyd. Kinabog din ni Papa Lloydie ang lahat nang tanghalin siyang Philippine’s Box-Office King para sa super-mega hit kilig na pelikula nila ni Sarah Geronimo na A Very Special Love. Hindi lang ‘yan mga kaparazzi, tinanghal lang naman itong si Lloydie bilang pangatlo sa Most Powerful Celebrity ng bansa sa Yes! Magazine. Taray lang, ‘di ba?

Nito ngang nakaraang Enero, naisipang maglamyerda ng ating kamerang-gala at napadpad siya sa may Pampanga para sa isang show ng ASAP ‘09. At s’yempre, mega klik siya nang ma-ispatan ng kanyang lente si Papa Lloydie. Kita n’yo naman ang mga kuha, hangkyut-kyut pa rin ni Lloydie, dabahness?

Stars Candid
by Jean Oli

loading...

5 thoughts on “Stars Candid: Papable Lloydie

  1. ang gusto ko lng ssa buhay
    ko manalo ng tiket sa concert nila david cook at archuleta sa mall of asia
    yun lng at pagkatapos ko sila mapanood
    ay pwede na q mamatay..
    sana po may mag sponsor..
    wala na poa ko mahihiling sa
    buhay ko..un lng po..
    thank you!!!
    email me at rhan_rj@yahoo.com

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #56

Leave a Reply

Your email address will not be published.