Stars Candid: Nadine Samonte, spotted at Santacruzan

Nitong nakaraang Linggo, Mayo 24, naimbitahan ang Publisher/Editor-in-Chief ng Pinoy Parazzi na si Raimund Agapito bilang Hermano Mayor ng Santacruzan sa Santa Isabel, San Pablo City sa Laguna. At siyempre pa, hindi makukumpleto ang isa sa mga inaabangang tradisyon nating mga Pinoy tuwing Mayo kung walang mga bituing magbibigay-kinang sa okasyon.

Doon nga’y naispatan ng ating kamerang-gala ang Kapuso Star na si Nadine Samonte na isa sa mga Sagala. Tignan mo nga naman. Sa kabila ng pagiging busy ng tinanghal na 2nd Princess sa unang season ng Starstruck sa bago niyang seryeng SRO presents… Suspetsa, nagawa pang magpaunlak ng young star sa kanyang mga fans sa San Pablo para maging bongga nga ang nasabing Santacruzan.

Naging konsorte naman ni Nadine ang isa sa mga cast ng Only You sa ABS CBN na si Justin Cuyugan. O, ‘di ba? Sa mga ganitong tradisyon nga wala nang bakod-bakod na nakaharang sa pagitan ng mga bituin. ‘Yun na!

PARAZZI WIRES PHOTOS

Stars Candid
by Jean Oli

loading...

3 thoughts on “Stars Candid: Nadine Samonte, spotted at Santacruzan

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #70

Leave a Reply

Your email address will not be published.