Stars Candid: Mystic-Mystica!

Siya ang tinaguriang Rock Diva ng ‘Pinas. Hindi lang ‘yan, siya rin ang Split Queen at mukhang wala nang makakaagaw ng korono sa kanya, huh! Nakikilala ng publiko si Mystica dahil sa kanyang mga seksing kanta na may kasama pang bonggang split every performance, huh! Naging ultimate trademark na rin niya ang kanyang “big mouth” na tila ba lalamunin ka ng buhay. Hahaha!

Pero alam n’yo bang may bago nang kakaririn itong sexy singer-actress? Mukhang type niya rin yatang maging isang dancer, huh! Sa Shall We Dance Season 2 kasi, siya lang naman ang kauna-unahang celebrity na nakakuha ng perfect scores sa tatlong judges. At hindi ‘yan dinaan ni Mystica sa pag-split, huh!

Pero ang matindi sa lahat, nakilala pala ni Mystica ang kanyang asawang si Ron Coolong sa internet. Sukat akalain ba namang mag-post ito ng ad na “Cinderella Searching for a Prince?” Kalowka!

ni Jean Oli, Photos by Luz Candaba

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.