Stars Candid: Monay ni Kongresman Manhik Manaog

Aktor, host, commercial model at direktor – ano pa ba ang hahanapin mo para makumbinsi kang very versatile nga itong ating bidang aktor na gumaganap ngayon sa Zorro bilang si Carlos Pulido?

Tumatak ang pangalan niya sa madla ng kinarir niya ang pagiging isang istriktong ama nina Gelli de Belen at Donita Rose sa Ober da Bakod. Ginising naman niya ang social consciousness ng mga utaw sa makatotohanan ngunit nakatatawang pagganap niya bilang si Congressman Manhik Manaog sa mga pelikulang tumatalakay sa mga kahinaan at katotohanan ng Philippine Nation – tulad ng M.O.N.A.Y. (Misteyks obda Neyson Adres Yata) ni Mr. Shooli (2007) at ang Juan Tamad at Mr. Shooli: Mongolian Barbecue (1991).

Sa kasagsagan ng kanyang karir, madalas nating siyang mapanood sa mga nakatatawang pelikulat at sitcom. Tumatak nga ang kanyang puntong ‘ala eh’ na swak sa madalas n’yang role bilang probinsyanong napadpad sa Kamaynilaan.

Dahil mahusay na artista, alam n’yo bang napasabak din si Leo Martinez sa iba’t ibang pagganap sa teatro?! At ‘eto pa, kinarir niya rin ang ilang pagdi-direk ng ilang theater at television shows tulad ng Buddy and Sol at Mongolian Barbecue. At ‘eto pa ulit, hindi siya nagpapahuli dahil kahit indie films, pinasok na rin niya.

Tunay ngang iginagalang ng industriya, siya lang naman ang Director-General ng Film Academy of the Philippines. Bukod diyan, naniniwala siya sa malaking papel na pwedeng gawin ng isang popular na artista para naman maisulong ang isang tunay na pagbabago sa bansa.

Stars Candid
by Mayin de los Santos
Photos by Marvin and Luz Candaba and Mark Atienza

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.