Stars Candid: Krissa Mae, replaces Polo with another guy?

Stars Candid
by Jean Oli

NAISPATAN NG ATING kamerang-gala itong GMA talent na si Krissa Mae Arietta, mas kilala bilang Go Bingo! girl, habang naglilibot sa Tiendesitas sa Pasig noong Martes (Marso 24) ng hapon. Isang non-showbiz guy ang kasama nito, na hindi rin naman nalaman kung ano ang konek ng guy sa kanya.

Naging kontrobersiyal si Krissa Mae nang ma-link ito sa kapwa-Kapuso na si Polo Ravales. Si Krissa Mae nga kasi ang lumalabas na naging third party umano sa hiwalayang Polo Ravales at Jean Garcia. Pero sa bandang huli, iniwan din ng babae ang hunk actor, at lumabas ang isyung kesyo inuutangan siya ni Polo, na binansagan na ngang ‘bilmoko’ guy ng mga entertainment press.

Lumabas pa nga ang ‘real life’ girlfriend umano ni Polo na sumali pa sa katatapos na Bb Pilipinas search. At nang matapos ang pageant, maugong naman ang usap-usapan na nakipaghiwalay na rin ito sa aktor.

Sa mga litrato ngang ito, ayon sa ating parazzi chikadora, walang balak umanong bumili ng alagang aso si Krissa Mae, pero nang makyutan ito sa isang chow-chow, hayun, napabili ng ‘di oras sa Our Pet Village. Ang chika nga lang, paalis pala itong si Krissa Mae, papuntang States, para sa isang two-week vacation. Eh, paano ang chow-chow na binili niya? Ang narinig ng ating parazzi chikadora, aalagaan daw muna nu’ng guy na kasama ni Krissa Mae.

O, ‘di ba naman? Mukhang may bago nang nag-aalaga kay Krissa Mae, este sa aso nito. Ang tanong nga lang, alin sa dalawa ang ipinalit ni Krissa Mae kay Polo, ang aso, o ‘yung guy na kasama n’ya? ‘Yan ang aalamin ng ating parazzi chikadora. ‘Yun na!

PHOTOS BY LUZ CANDABA & YOMEN

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.