STARS CANDID: Jason Abalos, comedienne-material!

Napakaseryoso kamakailan ng mga roles ni Jason Abalos. Matapos n’yang matanggap ang karangalang Best Actor sa Urian Awards para sa pagganap na starring role sa indie film na Endo. Sa pelikulang ito n’ya naipakita ang pag-mature n’ya bilang isang actor. Tinawag na makabagbag damdamin at “deeply moving and heartfelt” ang pag-arte n’ya rito. Kaya hindi kataka-takang mas naging visible s’ya ngayon sa ABS-CBN bilang Efren sa Pieta, bilang Alex sa Maalaala Mo Kaya, at bilang Joel sa katatapos lang na teleseryeng Eva Fonda. Kaabang-abang naman ang indie film n’yang Handumanan (Remembrance) na kinunan sa Dumaguete, Negros Oriental. Kasama n’ya rito sina Chin Chin Gutierrez at isang half-Brazilian half-Japanese na model na si Akihiro Sato.

Sa sobrang seryoso ng roles n’ya, hindi aakalaing super wacky at kalog din pala itong si Jason Abalos nang mahuli ng parazzi cam ang mga pangungulit nito sa birthday party ni Raphael Martinez. Don’t worry, Jason, kapag nakasama ka sa isang gag show, papanoorin talaga kita!

PHOTOS BY FERNAN SUCALIT

Stars Candid
by Faith Salazar

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.