Stars Candid: Halakhak ng kontrabida?

Bonggang bongga ang pagganap ni Iza Calzado sa role na Nicole sa kanyang bagong teleseryeng All About Eve, isa ring remake ng Korean series with the same title. Araw-araw nakikipagtagisan sa pag-arte dito si Iza kay Sunshine Dizon.

Magkaribal sa pag-ibig at career sina Nicole at Erika. Sabi nga ni Erika, magkapareho lang naman daw silang maganda at matalino ni Nicole, ang pagkakaiba lang ay lumaki si Nicole sa karangyaan. Sino ba talaga ang mas mukhang mayaman kay Iza at Sunshine? Maraming fans ang nagre-react na sana nga raw si Sunshine na lang ang naging Nicole dahil mas mukha itong sosi at petite ang facial features niya.

Noong napanood natin ang inaabangang episode na kung saan nagsampalan ang dalawang magagaling na aktres, talagang mafi-feel ng mga manonood na todo todo ang hidwaan ng nila. Sayang nga lang at si Nicole (Iza Calzado) lang ang talagang nakapanakit sa eksena ito at si Erika (Sunshine Dizon) naman ay hinayaan lang na sabunutan at sampal-sampalin siya. Magandang nakagawa rin ng ganitong eksena si Iza para naman lumitaw rin ang kanyang pagiging “kontrabida”.

Sa umpisa ng serye ay nagmukhang maldita si Iza Calzado, pero as the plot thickens, unti-unti nang ipinapakita ang pagiging manipulator ni Sunshine Dizon. Sa Koreanovela nga, susubukang agawin ni Erika si Kenneth (Mark Anthony Fernandez) matapos niyang hiwalayan ang boyfriend niyang si Warren (Alfred Vargas). Lalabas rin ang past ni Erika, na siya pala ay dating kalapating mababa ang lipad at ang pagmumulto ng kanyang nakaraan ang pagdudulot ng kanyang kamatayan. I’m sure iibahin nanaman ang plot nito at hindi isusunod sa pinagbasehan nitong Koreanovela ‘noh. Well, kahit maging anong plot pa ‘yan, siguradong keri ni Iza Calzado ito at hindi niya ma-didisappoint ang kanyang mga fans.

Stars Candid
by Faith Salazar

loading...

2 thoughts on “Stars Candid: Halakhak ng kontrabida?

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » PINOY PARAZZI Vol. II Issue #48

  2. ang sarap ng tawa ni iza calzado.
    this is the side of iza calzado na hindi nakikita ng iba..sa mga t.v shows niya kasi napaka prim and proper niya.
    i love her.=)

Leave a Reply

Your email address will not be published.