Stars Candid: Dive, Katrina, Dive!

Anu ba naman itong si Kumareng Kat? Aba naman, nakikipagkarerahan ‘ata kay Gretchen Barretto sa pagiging kontrobersiyal nitong huli. Kita n’yo naman, sinalubong ang bagong taon ng intriga, ayan tuloy, hanggang ngayon hindi siya tinatantanan ng mga bala ng intriga, huh! Pero ‘wag kayo, magaling ‘atang umilag itong si Kat. Aba’y sa kabila ng lahat ng mga intriga, buhay na buhay pa si Katrina, huh!

Sa katunayan, nito lang nakaraang Semana Santa, nakapag-unwind pa nang bonggang-bongga ang seksi nating kumare sa isla ng Boracay. At sino’ng mag-aakalang napasama sa maleta ni Mareng Kat ang mga intriga, huh? Ayon kase sa mga parazzi chikadorang nakilangoy rin sa Boracay, si Katrina raw ang nagbayad ng hotel room nitong kauna-unahang Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco. Haysusmaryosep! Ginawa raw bang sugar mommy ang ating seksing bida? Pero siyempre, super mega deny si Kat at JC.

Hmm, alam n’yo ba kung ano’ng ginawa ni Mareng Kat sa mga pasaway na intrigerang ‘ire? Hayun at inilublob sa dagat nang malunod na nang tuluyan at magtanda. O, taray lang, ‘noh!

Ni: Jean Oli
Photos by: Parazzi Wires

loading...

3 thoughts on “Stars Candid: Dive, Katrina, Dive!

Leave a Reply

Your email address will not be published.