Stars Candid: Bang like the Gurls!

Akala n’yo lang doughnut ‘yan… pero hindi, hindi, hindi!

Kabog na kabog ang madlang pipol sa fashion statement ng ilan sa ating famous celebs. Kasi naman, kung nauso ang dangling at mala-pulseras na earrings, eh, ‘tila in-na-in rin ang mala-doughnut na pulseras na kung tawagin ay bangles.

Ito ang malalapad na pulseras na madalas ngayong nakikitang suot ng ilang celebrities. Isa itong abubot na halos isang pulgada o higit pa ang lapad na karaniwang gawa sa kahoy, plastics, metal at maging precious stones. Kung super-ikli ang iyong braso, tiyak, magdadalawang-isip ka. Kasi ba naman, baka sa dami ng bangles na suot mo, eh, makalimutan ng mga taong may brasong nagkukunekta sa siko at kamay mo ‘no!

Pero dahil keri ng ating mga bidang fashionista ang ganitong klase ng style, kitang-kita kung paanong lalong bomongga ang kanilang maganda at super-class na porma. Pero higit sa abubot, super-glow rin ang confidence ng ating mga artista kaya naman ang kagandahan nila, lutang at bonggang-bongga.

So when you feel like being fashionista, don’t forget to ‘bang like the girls’ tulad ng ating mga bida!

Stars Candid
by Mayin de los Santos

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.