Stars Candid: Angelica Panganiban in Boracay

Kamusta na kaya ang isa sa paborito nating ‘childstar’ na si Angelica Panganiban? Mukha kasing marami na sa ating mga kaparazzi d’yan sa tabi-tabi ang sobrang nami-miss na ang beauty ng lola n’yo. Pa’no ba naman kasi, pagkatapos ng bonggang-bongga n’yang exposure bilang Scarlet sa Iisa Pa Lamang, aba’y pa-guesting-guesting na lang ang drama ng ateh, at ang regular show na lamang n’ya ngayon ay ang Banana Split. Where art thou na ba, Angel?

Ang latest ngang chika rito sa ating anghel, hindi raw nito tinanggap ang Bandida na panghapong soap ng Dos. Keri lang ‘yun dahil isa naman siya sa pinakabagong modelo ng Swatch Original Skin kasama si Anne Curtis. Pero s’yempre iba pa rin kapag araw-araw na nasisilayan ang kagandahan nitong si Angel sa telebisyon, dabah? Kaya naman para hindi n’yo masyadong ma-miss ang ating anghel, silip-silip muna tayo mga kaparazzi sa mga nagseseksihang kuhang ito ni Angel sa Boracay. Hinay-hinay lang ang tingin, baka lumuwa ang mga mata n’yo, ha? Hihihi!

PARAZZI WIRES PHOTOS

Stars Candid
by Jean Oli

loading...

10 thoughts on “Stars Candid: Angelica Panganiban in Boracay

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #47

Leave a Reply

Your email address will not be published.