Stars Candid: Ang Sumpa kay Joross Gamboa

Hindi man siya aktibo sa telebisyon tulad nung nag-uumpisa pa lang siya sa Star Circle Quest, dehins naman nawawalan ng proyekto si Joross Gamboa. Kamakailan lang ay ipinalabas ang indie film na Pasang Krus, kung saan gumanap siya bilang isa sa mga anak ni Rosanna Roces.

Naispatan ng ating bibong-bibong kaparazzi si Joross sa isang bar kung saan nagtatanghal ang Mocha Girls para sa isang babasahing panlalaki. Naroon ang aktor bilang suporta sa grupo na kasama niya sa kapapalabas pa lamang na sexy-thriller indie film na “Ang Sumpa”, kung saan siya ang leading man ng lider ng grupo na si Mocha Uson. Sabi nga nila, si Joross ang lalaking Hershey ni Mocha. May ganun?!

Eto ang mga nakunang serye ng larawan ni Joross habang nag-eenjoy sa pagkain ng pizza sa show ng leading lady. Naku Joross, dahan-dahan lang sa pagkain at baka masumpa ka kapag sinobrahan mo yan!

Stars Candid
by Mica Rodriguez
Photos By Luz Canaba and Parazzi Wires

loading...

2 thoughts on “Stars Candid: Ang Sumpa kay Joross Gamboa

Leave a Reply

Your email address will not be published.