Star Witness sa Ramgen Revilla Murder Case, Sumalang Sa Korte

 

MULING SUMALANG sa witness stand sa Parañaque City Regional Trial Court (RTC) Branch 274 ang itinuturing na star witness sa Ramgen Revilla murder case na si Roel Puzon.

Sa cross examination ng mga akusado sa nasabing krimen, unang nagtanong si Atty. Melinda Diaz-Salcedo ng kampo ng akusadong si Ryan Pastera kung saan pinilit nitong sirain ang kredibilidad ni Puzon nang sunud-sunod na kuwestiyunin ang mga inconsistency sa tatlong affidavit na pinanumpaan nito sa harap ng mga imbestigador ng Parañaque Police – una ay noong Oktubre 30, 2011, sinundan ng panibagong salaysay noong Nobyembre 1 at ikatlo ay noong Nobyembre 17.

Kabilang sa binatikos ng naturang abogado ang pagbabago sa pahayag ng testigo na kay Pastera niya iniabot ang baril na ga-gamitin sana sa pagpatay kay Ramgen na kinalaunan ay sinabi naman nitong kay Norwin dela Cruz niya ibinigay.

Malinaw na pawang hearsay lamang ang nalalaman ni Puzon at hindi nito personal na nakita ang naganap na insidente, ani Salcedo.

Ikinatuwa naman ng ina ni Ramgen at ng akusadong si RJ Bautista na si Genelyn Magsaysay ang inconsistency sa pahayag ni Puzon na patunay lang aniyang walang kinalaman ang kanyang akusadong anak sa krimen.

Samantala, itinakda sa Hulyo 17, alas-8 ng umaga ang susunod na hearing sa sala ni Judge Fortunito Madrona kung saan muling sasalang sa cross examination ang star witness.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.