Star-Studded B-Day Celebration ng Nag-iisang Mastershowman Kuya Germs!

Nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang Mastershowman na si Kuya German Moreno sa kanyang show na Walang Tulugan with The Mastershowman, na mapapanood sa dalawang magkasunod na Sabado. Napanood na ang unang part ng nasabing birthday celebration ni Kuya Germs noong Oct. 2, at mapapanood naman sa Oct. 9 ang ikalawang part nito.

Isang bongga at touching production number ang nagsilbing opening salvo sa pagsisimula ng dalawang linggong selebrasyon ng kaarawan ni Kuya Germs, kung saan kumanta ang buong casts ng Mastershowman na sina Jackielou Blanco, John Nite, Mico Aytona, Shirley Fuentes, Mariz, at PJ Valerio, sa saliw ng awiting “Send In The Clowns” na sinabayan ng isang interpretative dance ni Lito Calzado at ng MSP Teen Stars.

Nasorpresa si Kuya Germs sa pagdating ng mga ABS-CBN Stars na sina Shaina Magdayao at John Loyd Cruz. Habang nagbigay naman ng kani-kaniyang awitin ang ilan sa malalapit sa puso ni Kuya Germs katulad nina Jhake Vargas, Derek, Ian, Marlo, Hedeaki, Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Billy Crawford, long time friend Elizabeth Ramsey, Karylle, Imelda Papin, Sheryl Cruz, Kyla, April Boy at JC Regino, XLR8, Martha Joy, Pointen, at sumayaw naman ang Sexbomb Girls, Kids@Work, Club Mwah, at Pilyoz.

Sobrang saya naman ang naramdaman ni Kuya Germs sa pagdating ng kanyang anak na si Federico Moreno kasama ang mga anak nitong sina Jorel, Francheska, Gabby at ang bunsong si Raffy, kung saan nagbigay ng isang awitin kasama ang Dance Squad Dancers. Hindi rin nakalimot at nagbigay ng oras para bumati kay Kuya Germs ang Vice-Mayor ng Manila na si Isko Moreno at Aficionado owner Mr. Joel Cruz.

By John Fontanilla

Photos by Luz Candaba

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Star-Studded B-Day Celebration ng Nag-iisang Mastershowman Kuya Germs!

Leave a Reply

Your email address will not be published.