Star Magic talents, not allowed to be interviewed?

HINDI NAGING MALINAW ang kabababa lang na polisiya ng Star Magic sa kanilang mga alagang artista na bawal ang pagpapa-ambush interview. Ang akala ng mga artista, lahat ng klase ng biglaang panayam ay hindi puwede, kaya nu’ng minsang makaengkuwentro ng mga reporters ang mga alaga ng kumpanya, nagtanggihan sila.

“Ay, bawal po kasi,” sabi ng isang young actor sa manunulat na may itinatanong sa kanya. Sabi naman ng isa pa, “Kailangan po kasi muna naming humingi ng permission sa Talent Center bago kami magpa-interview, kaya pasensiya na po.

Naging malaking isyu agad ‘yun. Nagtaka at nagulat ang mga reporters kung bakit biglang nagkaroon ng ganu’ng batas ang Star Magic. Wala man lang pasintabi ang kumpanya.

Pagkatapos lang nang ilang araw, bumawi ang tagapagsalita ng Star Magic. Wala raw namang ganu’ng polisiya ang kanilang opisina. Mga tanong lang daw na delikado ang hindi puwedeng ibato sa mga artista nila nang biglaan.

Pagkatapos nu’n, meron na namang bagong bersiyon. Ang mga talk shows lang daw ng ABS-CBN mismo ang hindi puwedeng mang-ambush interview sa kanilang mga artista, ang mga manunulat ay malaya. Kaya ang naglabas naman ng saloobin, ang mga talk shows ng Dos.

Ang kanilang katuwiran, hindi naman nila iniinterbyu nang walang paalam ang mga artista ng Talent Center. Palaging nandu’n ang pagpapaalam, kaya saan daw kaya nag-ugat ang bagong kautusan na hindi puwedeng i-ambush interview ang mga artista ng kaharian ni Direk Johnny Manahan?

Maaaring may pinag-ugatan ang bagong alituntuning ipinatutupad ng Star Magic sa kanilang mga artista. Puwedeng may artista silang nagsalita sa ere ng mga bagay-bagay na hindi dapat ilabas, na ang itinuturo ng kanilang artista ay ang biglang pagsasahod ng mikropono ng mga reporters ng sarili nilang mga talk shows sa network.

HINDI GAWANG BIRO ang pagbubuo ng isang segment para kargahin ng isang talk show. Kailangang may pundasyon ang isyu, dahil kung wala, marunong nang kumilatis ang manonood.

Maraming bawal, nakakasa na ang video at ine-edit na lang pero biglang may tatawag, ipinaho-hold ang panayam. Natural, mangangarag ang segment producer, nakahanda na nga naman ang mga materyales, pero biglang hindi naman pala puwedeng iere ‘yun.

Sa mga live guesting naman, kailangan munang ipabasa sa mga kinauukulan ang pagkakasalansan ng mga tanong na ibabato sa kanilang artista. Kapag minamalas-malas ang talk show, halos wala nang matitira sa mga pinlantilya nilang tanong.

Kaya nga ang sentimyento ng mismong produksiyon ng mga talk shows ng ABS-CBN, bakit ganu’n, kung sino pa ang artistang kabakuran nila, du’n pa sila nahihirapan?

Mabuti pa raw ang mga artistang nasa ibang bakuran, malaya nilang nahihingan ng interbyu. Pero ang mismong mga Kapamilya nila, merong mga ipinagbabawal. Kauna-unawa ang kanilang posisyon.

Nagkakatulungan ang mga artista at ang mga talk shows, kailangan nila ang tulong ng bawat isa. Kaya kung magpapatuloy ang ganu’ng proseso, pareho silang mahihirapan.

Kung hindi maaaring salingin ang maiinit na isyu tungkol sa mga artista ng Dos, magmimistulang promo na lang ang laman ng kanilang mga talk shows.

Bibihisan lang nang konti ang isyu, puro patagilid at walang malinaw na sagot. Halatang lata na walang laman ang segment kaya nauuta na ang manonood.

Cristy Per Minute by Cristy Fermin

loading...

8 thoughts on “Star Magic talents, not allowed to be interviewed?

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #47

  2. masaya kba s gnagawa u..??kung manira ka kala u nman wala kng baho tgnan u mna ang sarili u sa salamin no..
    nd ka nman ganyan nung kumikita ka sa knila lagi ngang
    artist ng 7 ang tntra palibhasa wala kna napapala kya panay banat mosa knila,…sama ng ugali mo

  3. hay nako naman itong c cristy fermin tamang tira ka naman. nung may show ka sa abs sobra mo cla ipagtangol ngyun naman maya maya tinitira mo cla. tumigil ka na fermin, d ka na talaga babalik ng the buzz!!

  4. Maybe it’s true. This is related to that issue about Star Magic Talents:

    Star Magic Talents Bawal Interbyuhin Tungkol sa Lovelife

    (Magmumulta Kapag Napatunayang Nagsalita)
    by Reggee Bonoan of Bullsheet in Bandera Tabloid

    Nag-papictorial na ang buong cast ng bagong seryeng Kambal sa Uma last Thursday night sa Studio 4 ng ABS-CBN. Halos hindi namin nakilala ang isa sa mga bida ng serye na si Melissa Ricks dahil nakaayos daga ito with matching malalaking tenga at buntot. Sayang nga at hindi namin siya nakausao dahil bisi-bisihan siya sa pictorial kaya si Shaina Magdayao na lang ang kinorner namin.

    Nu’ng kamustahin namin ang relasyon nila ni John Prats ay bigla naman itong nagtanong sa handler niya from Star Magic sabay tanong kung allowed ba siyang sumagot sa tanong namin. Ang mismong handler ng dalaga ang nagsabing, “Hindi puwedeng pag-usapan ang lovelife ng walang approval ang Star Magic kasi po, bawal silang magpa-interview ng hindi alam ni Mr. M (Johnny Manahan), okey lang kung tungkol sa promo ng new projects ang pag-uusapan, aside from that ay hindi na po puwede”.

    Siyempre, nagulat kami sa sagot ng handler ni Shaina. Ngayon lang kasi kami nakarinig na bawal sumagot ang isang artista tungkol sa kanilang lovelife, ng walang approval ang kanilang management. Pero ang nakakatawa, puwede raw pag-usapan ang tungkol sa pamilya ni Shaina, lalo na ang nalalapit na panganganak ng Ate Vina Morales niya sa April 10 kaya hindi raw sila aalis ng Maynila ng mga petsang iyon.

    Ang paliwanag ni Shaina, “Pasensiya na po kasi magpa-fine kami pag nagpa-interview kami, though hindi pa naman ako pumapayag du’n, kaso mapapagalitan kami, sumusunod lang kami sa utos. Hindi ko po alam kung bakit may ganu’ng rules, baka may nangyari na hindi ko alam, kasi sa akin, wala naman, so I really don’t know po talaga, pasensiya na.”

    Ramdam naming gusto ni Shaina na sumagot sa mga isyu sa kanya, kaso hindi nga siya allowed sumagot. Feeling namin, parang unfair naman yata ang policy ng Star Magic. Kung tungkol sa promo ang usapan,pwedeng magsalita ang artista, pero kapag may kinalaman na sa mga kontrobersiya, bawal na? Ano ‘yun. puro na lang pabor sa Star Magic? Ano sa tingin mo, bossing Ervin?
    (Ay, hindi nga naman tama ang ganyan.-Ed)

  5. wala na kcng work s dos kya tntra na lhat ng artista dun. ngpapansin ba s gma bka sakalng kuhain..dati nd nman
    gnito e.obvious reason mmmmmmm…..bitter ba??????
    ngpapakontrobersiya uli pra pg usapan at kumita ng pera
    kso klangan mglabas ng kacraan ng iba pra lng sa pansariling motibo..

  6. @JOHN ryan!

    kailangan nyang tirahin ang DOS para kunin sya ng kabila. o baka naman gusto lang nyang kunin sya uli ng DOS para nga naman tumigil na sya sa ginagawa nya?

    wag sana.

    ano kaya ang talagang pakiramdam ng isang CRISTY FERMIN na dahil sa paninira sa mga kasama nya sa industriya ay napapalamon nya ang pamilya nya?

    patapos na kasi ang 3rd quarter ng 2009. 3 quarters n lang at pasko na – meaning, kailangang makadami sya ng kaibigan at kakaibigan uli sa kanya para dumami uli ang regalong matatanggap nya.

    miss mo na ang kahon-kahong corned beef sa lata, cristy?

Leave a Reply

Your email address will not be published.