Star Magic talents banned from using fan signs in Twitter and Facebook: Aaron Villaflor, latest victim of social networking hoax!

 

 

BLIND ITEM: MAY nagpe-Facebook message sa amin. Gusto niya kaming tsismisan. Kasi Raw, ‘yung brother niya ay dating waiter sa isang resto sa ground floor sa isang Ortigas mall.

Binanggit naman ang resto, pero hindi na namin binanggit dito, dahil baka ma-obvious naman. Anyway, ang resto na ito ay puntahan ng mga celebrities, dahil sosyal itong resto na ito at very intimate ang dating ‘pag gusto n’yong makipag-date.

According to my source, meron daw parang mezzanine doon kung saan ‘pag ang isang aktor ay pupunta sa resto ay understood nang sa mezzanine ang tungo nito.

Lalo na kung may kasamang babae.

Yes, at least, hindi siya bading, ‘no! Oo naman, kahit kelan naman hindi natsismis na bading ito. Lalo na ngayon na ilan na ba ang anak niya at kilala siya ng mga tao na “family man” talaga.

Pero ayon sa nag-FB message sa amin, 5 years ago ay nakunan daw ng brother niya ito thru celfone video.  Nakikipaglaplapan daw ito sa isang babae.

Sabi namin sa kanya, “Asan na ang video? Patingin para makita ko kung siya nga ang nakikipaglaplapan.”

Hawak daw ng kuya niya at sisimplehan pa raw niya para ipuslit ito o kopyahin. “’Yun pong may-ari ng resto, kabilin-bilinan sa lahat ng waiters and staff, ‘wag maingay at wala silang nakita.

“So ano po ang ibig sabihin no’n? Nambababae po siya?”

Actually, sa totoo lang, kung alam namin ang background ng aktor. Nu’ng kabataan talaga niya, mahilig talaga siya sa babae. Pero ngayon, hindi na.

Talagang straight na ang buhay nito. Kaya inulit namin sa nag-FB sa amin na, “Saka lang ako maniniwala ‘pag nai-produce mo na ‘yung video!”

Kaya hindi muna kami magbibigay ng clue sa pagkakataong ito. Malay naman natin kung kamukha lang ng aktor ‘yon, ‘di ba?

Abangan….

Noon pa naman ayos si Aiko Melendez sa kanyang mga ex-husbands, eh. Kahit nu’ng nandiyan pa si Patrick Meneses.

Saksi pa nga kami kapag sinusundo ni Jomari Yllana ang anak niyang si Andrei at si Martin ay sinusundo rin si Marthena.  Noon pa ‘yan. Nandiyan pa si Patrick.

Ang alam namin, bilang pagrespeto lang kay Patrick. ‘Pag nandu’n sa bahay ni Aiko si Patrick, hanggang sa labas lang at susundo lang ang mga respective tatay ng mga anak ni Aiko.

Honestly, kahit kami’y idinamay at idinemanda na rin ng libel ni Patrick Meneses ay hindi para magalit kami sa kanya. Dahil naniniwala kami na maaayos din ito sa huli.

One day, alam namin, mare-realize din ni Patrick na mas nagmamalasakit kami sa kanya kesa sa ibang tao.

 

PINAGBAWALAN NA NG Star Magic ang kanilang mga talents na gumawa ng fan sign kapag nagre-request ang kanilang mga fans sa Facebook o sa Twitter.

Ang latest victim ay si Aaron Villaflor na gumawa ng fan sign, pero ginamit pala sa business ng kanyang follower.

Kung minsan talaga, abusado rin ‘yung ibang followers, eh. Sa Twitter nga, ang kulit pa ng iba na nagde-demand na i-follow din sila ng celebrity at ‘yung iba’y nagagalit pa ‘pag hindi sila pina-follow.

Kelan pa naging patakaran sa Twitter na ‘pag finalow n’yo ang isang artista, dapat, i-follow rin kayo?

Kaya nga may “block” button o kaya ay “unfollow” dahil anuman ang gusto n’yong gawin sa Twitter o sa Facebook ay call ninyo.

Hay, nako, kami nga ay hindi na nag-e-explain. Bina-block na namin ang makukulit at mga gago para hindi na tuluyang ma-high blood sa amin.

Gano’n lang naman ang buhay. Hindi kailangan ng pabigat sa buhay, dahil magaan lang ang buhay.

Sa mga Facebook users, you may like my FB fanpage, hanapin lang ang “The Ogie Diaz” at puwede n’yo rin kaming sundan sa Twitter @ogiediaz at sa www.ogiediaz.blogspot.com.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

5 thoughts on “Star Magic talents banned from using fan signs in Twitter and Facebook: Aaron Villaflor, latest victim of social networking hoax!

  1. Asus shebie sino kaya ang laos? Tingnan mo ung mga talents ng GMA Artists Center, mga walang kwenta umarte kaya di sumikat-sikat. 

  2. i love Aaron ‘s performance last saturday in MMK. I believe that he is ripe for a big break. Patabihin na muna sila Jake, Gerald at Coco and let the other actors have their own moments to shine. I also would love to see Manuel Chua and Jason Francisco in a dramatic role.

  3. naku naman eh puro laos naman ang talent kasi ng PAISTAR WALANG MAGIC………hala sige gamit ng twitter at kung ano ano pa…………..magpapansin kayo kasi wala naman talaga mga career at puro laos na

Leave a Reply

Your email address will not be published.